May 31, 2019

Manggagawang Foreigner, Tinulungang Makakain ang Customer na May Kapansanan, Panalo sa Malasakit si Kuya!


Isang post ng Facebook user na si Andy Lau ang kasalukuyang pinagpipiyestahan ngayon sa social media.  Kuha ito sa isang karinderya sa Malaysia. Ayon sa nagpost, may isang customer na may kapansanan ang matagumpay na nakaorder mula sa karinderyang ito, subalit nahirapan naman siyang kainin  ang kanyang inorder dahil sa kanyang kakaibang kondisyon!

Sobrang bagal bago siya makasubo ng isa, at kumakalat pa sa kung saan saan ang pagkain sa kanyang plato dahil nga may kapansanan at hindi buo ang kontrol ng binata sa kanyang mga braso. Naaawa man ay pinanood lang ng karamihan sa mga Malaysian sa lugar na iyon ang paghihirap ng binata.


Nagulat na lang daw si Andy Lau nang biglang lapitan ng service boy sa karinderya ang binatang may kapansanan. Akala siguro ng ibang mga kumakain ay papagalitan niya ang binata dahil sa pagkakalat  na nagawa nito, ngunit walang ibang ginawa ang binata kundi kunin sa kanyang mga kamay ang kubyertos  na gamit ng binatang may kapansanan, upang siya na mismo ang magsubo ng pagkain dito!

Namangha na lang si Andy dahil wala naman daw nag-utos sa service crew na gawin iyon at tiyak na  hindi rin naman siya babayaran ng extra sa ginawa niyang pagtulong sa kanilang customer. Hindi rin naman mukhang mayaman ang binatang may kapansanan kaya hindi rin siya naghahangad  na masusuklian ng pera ang kanyang pagtulong. Sadya sigurong napakabait lang nito kaya nagdesisyon  siyang tumulong.



Nakakabilib pa na sa lugar na iyon ay siya lang ata ang hindi kababayan ng mismong customer na may kapansanan, ngunit siya pa talaga ang  may pusong tumulong dito. Maganda sigurong isipin natin kung bakit nangyayari ito -- kung bakit minsan, mas nakakatulong pa ang mga  taga-ibang bansa kaysa sa atin mismong mga nandito sa Pilipinas. Hindi nga ba't  mas marami pang mga foreigner  na doktor at  misyonaryo sa mga baryo ng Pilipinas kaysa  mismong mga Pilipino? Bakit sa tingin ninyo nangyayari ito?

Source: Good Times