Kung pamilyar kayo sa Youtube channel na 'What's Inside,' alam na ninyo na wala silang ibang ginawa kundi buksan ng buksan at buklatin ng buklatin ang kung anu-anong mga bagay upang tuluyang mawala ang curiosity nila kung ano ba ang nasa loob ng mga bagay na iyon. Sa umpisa ng video ay makikitang bumisita ang mag-ama sa isang zoo, kung saan maraming makikitang iba't-ibang klase ng ahas.
Ito ay para makumpirmang rattlesnake rattle nga ang nabili ng lalaki sa isang nagbebenta sa eBay. Tama naman, kamukhang-kamukha ng buntot ng buhay na rattlesnake ang kanilang nabili. Kaya naman umuwi na ang mag-ama at sinimulan nang buklatin ang rattle ng rattlesnake nila.
May kahirapan ang paghiwa ng dalawa sa rattle, dahil may katigasan ito. Ngunit laking gulat na lang ng mag-ama nang mabuksan nila ito ng tuluyan, ngunit wala silang kahit anong nakita sa loob! Nakakatakot ito dahil tila wala namang dahilan para makagawa ng ganoong tunog ang rattlesnake sa tuwing ito ay gumagalaw.
Maya-maya pa ay may napansin ang lalaki-- iyon ay ang ilang layer ng kaliskis o balat na nakaipon sa buntot ng rattlesnake! Napag-alaman nyang hindi hinuhubad ng isang rattlesnake ang lahat ng layer ng balat nito simula pagkabata, kaya sumisiksik at dumadagdag lang lalo. Sa dami at kapal ng mga kaliskis na ito ay nakalilikha tuloy ng tunog ang rattlesnake.
Kaya pala sobrang nakakatakot ang tunog ng rattlesnake! Sa isang bahagi pa ng video ng mag-ama ay inamoy ng bata ang loob ng buntot ng rattlesnake, bagay na agad niyang pinagsisihan. Imagine-in mo na lang ang amoy niyon kung matagal nang patay ang ahas, hindi ba? Sa totoo lang, hindi maintindihan ng marami kung bakit ba ginawa ng mag-amang ito ang ginawa nila. O ng Youtube channel na ito ang lagi nilang ginagawa.
Ano ang masasabi ninyo tungkol dito:
Source: Youtube