Noong unang anibsersaryo ng relasyon nina Anna at Terry, binigyan ni Terry ang kanyang nobya ng isang kwintas na gawa sa tunay na Tasmanian wood. Tuwang-tuwa si Anna kahit hindi to kasing mahal ng mga ginintuan o pilak na kwintas. Simple lang naman kasi siyang babae kaya hindi siya naghangad ng higit pa rito.
Araw-araw isinuot ng babae ang kwintas, at ni minsan ay hindi siya nagsuspetsang may itinago pala sa loob nun ang kanyang nobyo. Sa kwento ni Terry, dalawang beses nang muntik mabuking ang kanyang sikreto. Una, nang muntik nang i-trade ni Anna ang kwintas sa isang blacksmith sa palengke. Mabuti na lang at hindi natuloy.
Pangalawang beses ay noong kailangan nilang mag-eroplano at dumaan sila sa airport security. Hindi naisip ni Terry na baka ipalagay ang kwintas sa X-ray machine. Tiyak na makikita kung ano ang nasa loon nito! Mabuti na lang at napaka-effective palang pagtaguan ng Tasmanian wood dahil hindi pa rin nasilip sa airport na may kakaibang laman ang kahoy na kwintas na ito.
Kaya naman matapos ang isa't kalahating taon ay successful ang plano ni Terry. Nadala niya ang nobya sa Smoo Cave sa Northern Scotland, isang lugar na matagal na nilang ibig puntahan. Doon, sa wakas, ay ibinunyag niya na ang pinakatatagu-tagong sikreto ng kwintas na iyon!
Nagulat na lang si Anna nang hiramin ni Terry ang kanyang kwintas, at binuklat ito gamit ang isang maliit na kutsilyo. Naka-glue lang pala ang dalawang bahagi nito, at sa loob ay nagtatago ang isang singsing na may dyamante! Imagine niyo na lang kung nawala ni Anna ang kwintas na ito o naipamigay sa pag-aakalang hindi naman ganoon kataas ang halaga nito!
Nang sa wakas ay mapagtanto ni Anna ang nangyari, agad naman itong umoo sa kasintahan at sinunggaban ito para sa isang mahigpit na yakap. Sabi ni Terry, gustong gusto niya raw talaga ang nagbibigay ng mga regalo na parang pipitsugin sa umpisa, ngunit may tinatagong malaking halaga pagtagal ng panahon!
Source: Newsner