May 21, 2019

James Reid Tinalakan si JK Labajo Dahil sa Komento nito sa Pagkanta ni Luke Baylon sa Idol Philippines!



Hindi biro sumali sa isang talent show. Kailangan, bukod sa angking talento, dapat may lakas ka rin ng loob na harapin ang mga hurado at maging ang mga ka-kumpetensya mo. Kailangan ay kaya mo ring tanggapin ang anumang maging hatol ng mga hurado at kung ano man ang maging resulta ng mga pa-timpalak. Hindi rin biro maging isang hurado. Laging kukwestyunin ang mga desisyon mo sa bawat pagkakataon. At minsan, mas mahirap pa yun kaysa sa harapin ang pagtulo ng luha ng mga nasawing contestant.

Yan ang gustong sabihin ni James Reid sa mga netizens na patuloy sa pagkuwestiyon sa naging desisyon niya sa Idol Philippines. Si Reid ay isa sa apat na hurado ng singing contest na ito -- kasama sina Moira Dela Torre, Vice Ganda, at Regine Velasquez. Isa sa mga contestant na hinangaan ng mga netizens ay si Luke Baylon. Magaling at maganda ang pagkakakanta ng binata gamit ang genreng reggae. Ngunit hindi ito tumatak sa tatlo sa mga hurado at tuluyan na ngang natigil ang kanyang Idol journey. Tanging si Regine lamang ang pumanig kay Baylon.


Dahil dito, binatikos ng netizens sina Vice, James, at Moira. Kinuwestiyon di lamang ang kanilang naging desisyon; kundi maging ang kanilang credibilidad bilang mga hurado. Ngunit hindi lamang mga netizens ang mistulang na-dismaya sa kinalabasan ng audition ni Baylon. Isa sa mga artistang nagsalita tungkol sa nangyaring paghahatol ay si JK Labajo.

Aniya: “It’s a yes for me. I’m not even gonna argue with the other judges. It’s easy to fix flats and sharps and such imperfections but it’s not that easy to find soul. Kakagigil.”

Dagdag pa nito, ikinakahiya daw ni Labajo ang hindi pagpili ng tatlong hurado kay Baylon.

Pero di tulad nina Moira at Vice, hindi kinayang manahimik ni James Reid sa mga patutstadang ito ni JK. Sa kanyang twitter sinagot ng binatang hurado ang mga pahayag ng mang-aawit.


Sab ni James mahirap talaga ang maging hurado dahil nasa kamay mo kung makakasira ka ng pangarap ng isang tao o kung tama nga ba ang bibigyan mo ng chance na manalo. Pinuri din ni James si Luke Baylon dahil sa kanyang magandang rendition ng "If I Ain't Got You".

Sa tingin mo ba, tama si James Reid sa kanyang pahayag o dapat ba talagang makapasok ni Luke sa susunod na round ng Idol Philippines? Kung hindi ka pa sigurado, panoorin ang video sa ibaba!



Source: Youtube