"Sila na lang ho ang mag-usap."
Ganyan sinubukang lumusot ni General Jesulito Calimag sa issue na siya raw ay nangabit. Ang nagrereklamo-- ang asawa ng kanyang kinalantari! Banat naman ni Raffy Tulfo, paanong makakapag-usap ang mag-asawang seaman at housewife kung nagtatago nga ang babaeng si Barbarrah Paza at kung siya ay pumapagitna sa relasyon ng dalawa!
Hindi lubusang makalusot ang General na ito dahil nagdala ang anak nina Barbarrah at Mel ng sangkaterbang ebidensya-- mga text ng heneral kay Barbarrah, na punong-puno ng mga 'I love you forever.' Hindi ba't ang kakapal ng mukha gayong parehong may asawa sila?
Kawawa naman tuloy si Mel, na nagsasakripisyo para sa pamilya sa pamamagitan ng pagtatrabaho bilang isang seaman. Ngayong nakauwi siya ay ni hindi niya makasama ang kanyang pinakamamahal na asawa dahil nga ito ay nagtatago! Maaari naman sanang magpakita si Barbarrah kahit man lang ipaalam sa kanyang asawa na kumakalas na ito sa relasyon nila. Ngunit hindi niya ito magawa. Marahil siya ay nahihiya.
Bakit?
'Yan ay dahil ayon sa kanyang mga anak, buntis na raw ang babae! Oo, siya raw ay nabuntis na ng kanyang kabit na heneral, kaya siguro hindi na makapagpakita pa sa kanyang pamilya!
Kwento pa ng mga bata, iniuuwi daw ng kanilang ina ang kabit nitong heneral sa condo na si Mel pa ang mismong nagbabayad! Minsan daw ay dumating ang anak nila sa condo na iyon, kasama ang kanyang girlfriend, ngunit naka-lock daw mula sa loob ang condo kaya hindi siya makapasok. Nagsinungaling pa daw ng ilang ulit ang ilang babae at sinabing wala siya doon sa loob ng condo para lang umalis na ang kanyang anak.
Ngunit nagpumilit pa rin ang anak na makapasok, at sinira nang tuluyan ang pinto. Doon daw nahuli nito mismo ang heneral at ang kanyang ina! Wala na nga talagang lusot ang dalawa. Alamin kung paano inareglo ni Tulfo ang sitwasyon dito:
Source: Youtube