May 26, 2019

Alamin Ang Totoong Dahilan Kung Bakit Mahal na Mahal ni Isabelle Daza ang Yaya Luning Niya!


Bata pa lang si Isabelle Daza pati ang kanyang mga kapatid ay nasa kanila na si Yaya Luning. Noong mga oras na busy pa sa trabaho ang nanay ni Belle na si Gloria Diaz, madalas si Yaya Luning lang ang kanilang kasama sa bahay -- taga-aruga at asikaso sa kanila, sumbungan ng mga problema, at all-around second mom!

Ngayong si Belle ay may sarili nang pamilya, hindi pa rin talaga niya mapakawalan ang mahal niyang yaya,  na ngayon ay nag-aalaga na rin sa kanyang anak. Talagang bahagi na ng buhay nilang pamilya si Yaya Luning, at hindi mapigilang  mapansin ng mga netizen kung gaano kaswerte ang yayang ito na sa napakabuting pamilya siya napunta!


Isipin ninyo-- kahit saang bansa nakakapunta sina Isabelle, tiyak na lagi siyang kasama! Nakapag-ipon na nga ito ng sariling wardrobe na pangsuot sa winter, spring, at lahat ng pwedeng maging panahon sa mga bansang ginagalaan nila ng kanyang alaga! Lagi pang nakapost sa Instagram ni Belle ang mga pictures nilang magkasama, na nagpapakita ng napakagandang samahan sa pagitan nilang dalawa.

Napansin ito ng netizens at madalas nilang sabihing swerte si Yaya Luning. Ngunit ito ang tanong ni Isabelle Daza sa lahat: ilang tao sa mundo ang kayang makapagyabang na maaasahan, mapagmahal, at mapagkakatiwalaan sa lahat ng aspeto sa buhay ang nakuha nilang yaya? Siguradong hindi lahat. Kaya naman ang ginagastos ni Belle upang maisama ang yaya niya sa kung saang lupalop sa mundo ay hindi pa sapat na kabayaran sa kanyang swerte sa yaya!


Maging si Gloria Diaz ay mahal na mahal din si Yaya Luning. Madalas nga din itong magpost ng picture ni Yaya Luning kasama si Belle, noong bata pa ito at sobrang cute pa! Minsan ngaý napagalitan pa ni Belle ang kanyang ina matapos nitong magpost ng baby picture niya kasama si Yaya Luning! Iyon nga lang, halos walang saplot ang batang si Belle sa litratong iyon! Dyahe!

Source: Youtube