May 02, 2019

Kilalanin ang Mala-Diyosang Anak ni Robin Padilla At Kapatid ni Kylie Padilla!!


Kahit na may anak na ay hindi maikakailang maganda pa rin si Kylie Padilla. Noon pa man ay pansin na ng lahat ang angkin niyang ganda. Ngunit alam niyo bang may isa pang napakagandang supling si Robin Padilla sa dating asawa nitong si Liezl Sicangco? Ngayon ang tanong ng marami, kailan kaya siya susunod sa ama at kapatid niya sa pag-aartista?

Kilalanin si Zherileen Padilla, o Zhen-zhen kung tawagin ng kanyang pamilya at malalapit na mga kaibigan. Pinanganak siya noong 1994 at ngayon ay naninirahan sa Australia kasama ang kanyang ina at kapatid na si Ali. Kaya naman wala pa si Zhen sa radar ng karamihan sa Pilipinas. Ngunit talagang nag-stand out ito sa kasal ng ate niya nito lamang lumipas na taon.


Ayon kay Kylie Padilla,mas malapit daw si Zhen-zhen sa kapatid na si Queenie Padilla. Pero pinaka-nagmana daw ito sa amang si Robin, dahil parehas sila ng mga hilig na hobbies o pampalipas-oras. Ang nakakahangang bagay tungkol sa mga anak ni Robin kay Liezl, ay ang magandang relasyon ng mga ito sa bagong asawa ni Robin na si Mariel Padilla.

Sa katunayan, nagpose pa sa cover ng isang magazine nang magkasama sina Mariel at Zherileen! Kahit hindi magkakasama sa Pilipinas ay mukhang close na close rin ang magkakapatid, at walang pagsidlan ng tuwa sa tuwing nagkikita-kita. Kaya napakasaya nilang tignan nang mag-reunion sa mismong kasal ni Kylie.




Kung mapagdedesisyunan ni Zhen zhen na sumabak sa pagiging artista, siguradong isang magandang career ang naghihintay sa kanya. Bukod sa kilala na ang kanyang pamilya sa showbiz, angkin niya rin ang ganda ng isang leading lady.


Kung kayo ang tatanungin, excited ba kayo sa magiging kinabukasan ni Zhen kung mag-aartista nga ito? O mas mainam ba para sa inyo na siya ay mag-aral at magpatuloy sa isang tahimik na buhay sa Australia? Ilabas ang inyong mga saloobin sa comments section sa ibaba!


Source: Youtube