May 02, 2019

Narito ang Kwento ni Jazz Jennings, ang 11-Year-Old at Pinakabatang Transgender Woman!



Limang taon pa lang si Jaron nang makaranas ito ng gender dysphoria, o iyong pakiramdam na mayroong mali sa katawang ibinigay sa kanya ng Lumikha. Nang matuto itong magsalita, ipinaalam niya agad sa kanyang mga magulang na sina Greg at Jeanette na siya raw ay isang babae, kahit na ipinanganak siyang lalaki.

Hindi ito naging madali para sa kanyang mga magulang, ngunit nang lumaon ay naisip nilang hindi naman pinili ni Jaron ang ganoong kalagayan. Kaya naman sinuportahan nila ang pagta-transisyon ng anak, at ngayon ngang nasa onse anyos na ang bata, ay mas kilala na ito sa tawag na Jazz Jennings.


Naging isa na siyang simbolo o icon para sa mga miyembro ng LGBT, dahil hindi lahat sa kanila ay tanggap at sinusuportahan ng kani-kanilang mga magulang. Na-interview na ng napakaraming news agency si Jazz, nakapagsulat na rin siya ng libro, at may sariling Youtube channel kung saan ibinabahagi niya ang kanyang kakaiba ngunit nakaka-inspire na kwento.

Ginamit ni Jazz ang kanyang kasikatan upang tumulong sa iba pang mga transgender na batang katulad niya. Kasama mismo ang kanyang mga magulang, itinatag ni Jazz ang Transkids Purple Rainbow Foundation, na nagbebenta ng mga mermaid tails o buntot ng sirena na gawa sa goma. Lahat ng kinikita ng foundation ay itinutulong ni Jazz sa mga transgender na batang kagaya niya.


Kahit pa napaka-supportive ng kanyang mga magulang, marami pa ring pinagdaanang pagsubok si Jazz dahil sa kanyang pagiging transgender. Dalawa't kalahating taon din siyang nakipagbuno sa United States Soccer Foundation o USSF upang mapayagan siyang maglaro sa girls' team. Ngunit sa huli ay nanaig ang panig ni Jazz at napayagan naman siya.


Kung ikaw ang tatanungin, susuportahan mo ba ang iyong anak na lalaki kung sasabihin niyang babae talaga siya, at ang iyong anak na babae kung sasabihin niyang lalaki ang pagkakakilanlan niya sa kanyang sarili? Bakit o bakit hindi? Ilabas ang inyong mga saloobin sa comments section sa ibaba:


Source: Youtube