Si Dan Price ay namumuhay sa kahirapan. Ngunit hindi ito dahil sa nawalan siya ng trabaho o naubusan ng pera dahil sa mga maling investment. Noong siya ay 33 years old pa lang, mayroon siyang asawa, dalawang anak, mataas na mortgage sa bahay, at ang trabaho niya bilang photojournalist sa Kentucky ay talagang nakaka-stress.
Ang nasa isip ni Price noon, kailangan niyang tyagain at tiisin ang ganoong klase ng 'rat race' dahil iyon naman ang ginagawa ng lahat. 'Yan ay hanggang sa mabasa niya ang isang libro tungkol sa isang lalaking itinakwil ang modernismo ng mundo at nanatiling primitibo. Napukaw ang interes ni Price at nang maghiwalay sila ng kanyang asawa ay nagkaroon siya ng pagkakataong subukan ang ganoong pamumuhay.
Wala ring washing machine ang lalaki, kaya sa ilog niya nilalabhan ang kanyang mga damit. Ang sabi ni Price, hindi siya naaawa sa sarili dahil tila isang isang paraiso ang kanyang tinitirhan. Maraming taong mayayaman ang may nais sa kung anong meron siya, pero $100 a month lang ang kanyang binabayad para dito!
Sa katunayan, umaabot lang sa $5000 ang kanyang ginagastos sa loob ng isang taon! Nakakaipon pa siya gawa ng kanyang zine, o isang journal kung saan ikinukwento niya ang kanyang buhay sa kakahuyan, para ibenta sa mga interesado. Napakasimple, napakasubersibo, at napaka-interesante din naman kasi talaga ng buhay na pinili ng mamang ito!
Panoorin dito:
Source: Youtube