May 01, 2019

Magkano Nga Kaya Ang Net Worth ni Vicky Belo? Alamin Dito Kung Gaano Siya Kayaman!


Hindi matatawarang isa si Vicky Belo ang isa sa mga pinakamayayamang Pilipino. Bata ka pa lang ay siguradong kilala mo na ang kanyang pangalan bilang pinakasikat na doktora ng mga artista. Halos lahat ng mga gustong magpabawas ng bilbil at magpalaki ng hinaharap ay kay Belo pumupunta.


Nagulantang na lang ang lahat ng siya ay magpakasal kay Hayden Kho sa isang napaka-engrandeng kasal sa Paris. Ang pagdating ng cute na si Scarlet Snow Belo ay nagpaigting din sa pagtatanong ng publiko kung gaano nga kaya kayaman si Vicky Belo at kanyang na-popondohan ang ganito karangyang pamumuhay. Ngayon, titignan natin kung magkano ang halaga ng isa sa kanyang pinakamalalaking pinagkakakitaan, ang Belo Medical Group.


Sa tala ng kinita ng mga kumpanyang pagmamay-ari ni Belo, kasama na ang Belo Medical Group, umabot sa higit isang bilyong piso ang kinita nito sa isang taon lamang. Kahit iawas ang gastusin ng mga kumpanya ay malaki pa rin ang net income ng mga kumpanya. P55.6M pa rin ang consolidated net income ng mga business niya na ito.

Kung susumahin, napakalaki nito para sa isang buong taon lamang, kahit pa sabihin mong hindi lang si Belo ang stakeholder sa mga kumpanyang iyan. Hindi na nga nakapagtataka kung bakit ganoon na lamang ka-bongga ang kanyang kasal, at ang buhay na nabibigay niya sa anak na si Scarlet.


Ito pa ang isang magandang balita para sa pamilyang Belo. Ngayon pa lang ay kumikita na rin si Scarlet sa kanyang pag-aartista at pagganap sa mga commercials. Siguradong lalaki itong kumikita ng kanyang sariling pera at hindi lahat ay nakaasa sa kanyang ina.

61 years old na si Vicky Belo at talagang narating niya na ang tugatog ng tagumpay. Nawa ay maging maligaya ang susunod pang mga taon ng kanyang buhay at ng kanyang pamilya.


Ang tanong, ano ang iyong gagawin o anu-ano ang iyong bibilhin kung sa loob ng isang taon ay kumikita ka ng kagaya ng kinikita ni Vicky Belo? Ipaalam sa amin sa comments section sa ibaba!

Source: Ptama