Nang magdesisyon si Pauleen Luna na magpakasal kay Vic Sotto, marami ang nagtaas ng kanilang kilay. Dahil na rin siguro sa kanilang age gap, inisip ng iba na baka may iba-iba silang motibo sa isa't-isa. Sabi nila, baka pera lang ang habol ni Pauleen kaya pumayag itong magpakasal sa nakatatandang si Vic.
Pero kamakailan lang ay umikot sa social media ang mga litrato ng lumang bahay ng pamilya ni Pauleen, na kanyang nang tinitirhan bago pa man sila maging magkasintahan ni Vic. Halos mahulog ang panga ng mga netizens nang makita na talagang marangya na ang pamumuhay ni Pauleen noon pa! Silipin dito ang ilan sa mga litrato:
Kusina pa lang ay mapapahanga ka na. Iisipin mong isang Hollywood actress ang nakatira dito. Napakalinis at modern nitong tignan. Mukhang high class din ang mga gamit dito. Kung tutuusin, hindi na dapat ikagulat ng mga tao na dati pa mayaman si Pauleen. Kung matatandaan, 1995 pa nang siya ay sumali sa Little Miss Philippines. Mula noon ay hindi na siya tumigil sa pagtatrabaho bilang artista.
Nabigyan niya ng maayos na pamumuhay ang kanyang pamilya nang hindi dumedepende kahit kanino. Kaya naman hindi patas na pagsalitaan siya ng maraming tao na kung anu-ano lang ang rason ng kanyang pagpapakasal.
Talaga nga namang nakaka-impress ang tahanan ng pamilya nina Pauleen. Hindi siya mahihirapang mag-isip para sa sarili dahil hindi naman siya naka-depende kay Vic Sotto para sa pera. Patunay lamang ito na tila pag-ibig na nga talaga ang dahilan ng kanilang pag-iisang dibdib. Sana matutunan na lang ng mga taong maging masaya para sa mag-asawa, lalo pa't umuunlad na ang kanilang buhay pamilya.
Wala rin namang magagawa ang patuloy na pagkwestyon sa dahilan kung bakit sila nagpakasal! Ngunit mabalik sa usapan ng bahay ni Pauleen, ano ang masasabi niyo tungkol dito? Kung bibigyan ng pagkakataon ay gugustuhin niyo bang magkaraaon ng bahay na kagaya nito? Ikwento sa amin sa comments section!
Source: Real Living

