May 02, 2019

Tatay na Ayaw Magsustento sa Anak, Hinamon ang Mismong Anak na Magsumbong kay Raffy Tulfo!


Uminit ang ulo ni Raffy Tulfo sa inirereklamong ama na si Randy Delos Reyes. Sinabihan pa ni Tulfo na parang d3monyo raw si Randy dahil patawa-tawa pa ito habang naglalabas ng hinanakit ang kanyang asawa at anak. Nagreklamo si Jamaica Delos Reyes na hindi raw talaga nagsusustento ang kanyang ama, kahit lima pa silang magkakapatid.


Ang nanay naman nila na si Amy Delos Reyes, nagpapakahirap sa Singapore bilang isang OFW. Sabi pa ni Amy, hindi siya nakakauwi nang tatlong taon na dahil binayaran nito ang napakalaking utang ng kanilang pamilya.

Ang maitutulong na nga lang ni Randy ay magsustento sa lima nilang anak. Sagot naman ni Randy, nagbibigay naman daw siya.


Ang reklamo ni Jamaica, minsan na nga lang siya magbigay, kulang pa. Kung iisipin, lima silang magkakapatid, paano nga naman nila mapagkakasya ang P6,000 na binibigay ng kanilang ama kada buwan? Ngunit hindi iyan ang pinakamasakit sa lahat. Minsan daw na nanghingi ng pera si Jamaica, nagsend lamang ng picture si Randy-- picture nila ng kanyang kabit.

Payag na sana ang mga anak niya na kahit iangat na lang sa P7,500 ang buwan buwan niyang pinapadala, ngunit nagmamatigas pa rin talaga si Randy. Kaya umabot na sa barangay ang usapan ng pamilyang ito. Nagkasilipan pa kung magkano nga ba ang kinikita ni Randy at kung bakit napakaliit ng naibibigay nito.


Tinanong pa ni Raffy kung gusto ba ni Randy na matanggalan na lang siya ng trabaho at lisensya bilang security guard sa isang agency, ngunit syempre ayaw naman nito. Nangako na ito na dadagdagan ng 500 ang buwan-buwang iniaabot sa mga anak. Kahit alam nating lahat na hindi pa rin ito sasapat, pumayag na lang ang kanyang anak dahil wala itong magawa.


Napakabait pa rin na anak ni Jamaica, na nagta-trabaho rin part-time para maibsan ang paghihirap nilang magkakapatid. Ngunit ngayon ay talagang nanggigigil ang mga netizens sa pangyayaring ito, at kung bakit malakas pa rin ang loob ni Randy na hamunin pa ang kanyang mga anak na magsumbong pa kay Tulfo.

Panoorin ang buong episode dito:



Source: Youtube