Anong gagawin mo kapag nakita mo ang iyong asawa na may ka-ngusuan sa video call? Maiisip mo bang agad na nagtataksil siya sa iyo? Maaari. Maaari rin namang hindi. Ngunit paano kung bukod sa ngusuan, ay makita mong nagcha-chat sila sa social media tungkol sa malalaswang gawain? Aba dapat lang na magtaka ka na! Ganyan nga ang sinapit ng lalaking si Aldrin Dela Cruz matapos niyang mahuling may kalandian ang kanyang asawang si Riziel. At dinulog niya ang kanyang problema sa palatuntunan sa radyo ni Idol Raffy Tulfo.
Nagata-trabaho bilang isang caregiver si Riziel sa Israel at doon niya nakilala si Roglio Basas. Ayon kay Aldrin, pinag-usapan at pinag-awayan na nilang mag-asawa ang tungkol kay Rogelio. Pinagsabihan niya ang kanyang may bahay na wag na ngang makipagkita sa lalaking ito. Ngunit di nakinig ang ginang. Kaya naman nagdesisyon siyang ilapit ang kanyang problema kay Raffy.
Sa una, hindi makapaniwala si Idol Raffy sa kanyang nakita! Paano kasi ay bitbit pa ni Aldrin ang pruweba na talagang may ka-ngusuan ang kanyang asawa na ibang lalaki! Tinawagan ni Raffy sina Riziel at Rogelio para magkaliwanagan.
Dito ay mariing itinanggi ng dalawa na mayroon silang koneksyon. Giit ni Riziel, matagal na niyang hindi nakikita si Rogelio at isang joke lang daw ang nagawa nilang pag-uusap. Bukod pa riyan, ang ngusuan na iniisyu ng kanyang asawa ay normal lang daw sa kanilang mga magkakaibigan na OFW sa Israel. Tugma ito sa sinabi ni Rogelio na walang malisyang namamagitan sa kanilang dalawa! Paliwanag niya na ang kanyang ginawa ay para lamang pagselosin ang kanyang dating kasintahan.
Dito tuluyang nagalit si Aldrin! Totoo nga namang dapat ay nirerespeto ni Rogelio si Riziel, lalo na't may asawa't anak din ito. Isinwalat ni Aldrin na wala nang visa sa Israel si Rogelio. Dahil dito, napag-desisyunan ni Raffy na tutulungan niya itong pauwiin ang ahas na lalaki.
Ngunit hindi dito nagtatapos ang kwento. Matapos magkaayos ng dalawang lalaki, nag-usap pang muli ang mag-asawa. Dito nalaman ni Raffy na nagkakasakitan pala ang dalawa, bago umalis si Riziel patungong ibang bansa! Gustong pauwiin ni Aldrin ang asawa nang sila'y makapag-usap. Pero ayaw ni Riziel dahil may humigit kumulang $12,000 daw itong utang sa Israel!
Ano na lang kayang kinahinatnan ng kwento nila? Panoorin na lang ang buong tagpo sa bidyong ito!
Kung ikaw si Aldrin, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? O naniniwala ka bang walang namamagitan kina Rogelio at Riziel?
Source:Youtube