Hindi talaga matatawaran ang hirap ng pagiging OFW. Bukod sa nasa malayong lugar ka at hindi mo kasama ang iyong pamilya, napakaraming bagay ang maaaring mangyari habang ikaw ay nasa ibang bansa. Lalo na ang mga domestic helper o katulong, dahil ang tingin sa trabaho nila ay mababang trabaho, maraming pwedeng gawin ang kanilang mga amo at mahirap tuloy para sa kanila ang magsumbong o makakuha ng hustisya dahil sila nga ay nasa banyagang bansa.
Kaya ganito na lang ang nangyari kay Lovely Acosts Baruelo, na siyang nagtatrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia. Ayon sa mga kwento, nagkamali lang ito nang maibilad sa araw ang isang kagamitan sa bahay na hindi pala dapat na-eexpose sa araw. Kung sa ibang amo, maaaring nabawasan siya ng sahod o nasigawan. Ngunit mas grabe ang dinanas ni Lovely sa kanyang amo.
Lumikha nga ng ingay sa social media ang larawang inupload umano ng kapitbahay ni Lovely sa Riyadh, dahil kitang-kita dito na siya ay itinali sa isang puno! Sapat nga ba ang nagawang pagkakamali ni Lovely para gawin ito sa kanya? Anu-ano pa kaya ang mga bagay na ginawa sa kanya ng amo sa mga ibang pagkakataong nagkamali siya?
Naalarma naman ang Department of Foreign Affairs, kaya agad nila itong naaksyunan. Ayon sa mga ulat, sa mismong araw na nakarating sa tanggapan ng DFA ang nangyari, agad nilang tinrabaho na mapauwi ang OFW. At ngayon ay nakauwi na nga daw sa wakas si Lovely!
Sa ngayon ay siguradong magpapagaling muna si Lovely mula sa pinagdaanan niya sa ibang bansa. Kung maisipan niyang lumabas pa ulit ng Pilipinas para magtrabaho ay sana wag nang mangyari ulit ito sa kanya. Ngunit sana rin ay makahanap na lang ito ng mapapasukan dito sa sarili nating bansa. Nang sa gayon ay mas maprotektahan siya ng ating lokal na batas.
Source: Manila Bulletin

