Hindi ganoon ka-open si Ciara Sotto sa relasyon nila ng kanyang bagong boyfriend na si Ian Austin. Minsan-minsan lang kung mag-upload ng litrato nila si Ciara, kaya naman kilig na kilig ang mga netizens kapag nangyayari ito. Pribadong tao rin si Ian, kaya mga malalapit na kaibigan at kaanak lang ang malayang nakakakita ng mga posts nito sa Instagram.
Matatandaang dalawang taon na ang nakalipas mula ng ibalita ni Ciara Sotto na wala na sila ng kanyang partner na si Oconer. Hindi man direktang umamin ay naging open secret na pagtataksil ang naging dahilan ng hiwalayang iyon. Kaya marami ang sumaya para kay Ciara nang ianunsyo nitong may bago nang tinitibok ang kanyang puso.
Nang magbirthday si Helen Gamboa, nagkaroon ng pagkakataon si Ciara na ipakilala sa buong pamilya nila ang bago niyang boyfriend. Talaga naman kasing star-studded ang nagiging kaarawan ng batikang aktres taon-taon! At halata rin naman sa mga litrato na naging napakasaya ng event na iyon!
Kinakikilig rin ng mga netizens ngayon na nakasama na sa wakas si Ian sa napakasayang bonding ng pamilya. Siguradong simula pa lang ito ng magandang samahan niya sa pamilya nina Ciara, na kilala naman sa pagiging mabait at mabilis tumanggap ng ibang tao papasok sa kanilang angkan!
Nagcomment rin si Ian sa post ni Ciara na masaya daw siyang sa wakas ay nakilala niya na ang pamilya ng kanyang babaeng pinakamamahal. Matatandaang September last year lang unang nagpost ng picture nilang magnobyo si Ciara. Maaaring bago pa lang sila noon, maaari rin namang hindi, ngunit lahat ngayon ay nakaantabay sa magiging susunod na kabanata ng kanilang buhay.
Panahon na rin naman na lumigaya na si Ciara, at magandang ang kanyang makakatuluyan ay isang taong malapit at mahal din ng kanyang pamilya. Panoorin dito ang ilan sa mga eksena mula sa bonggang-bongga at masayang-masayang birthday ni Helen Gamboa:
Source: Youtube
