Bata pa man ang tambalan nina Joshua Garcia at Julia Barretto, marami nang pinagdaanang mga pagsubok ang dalawang ito. Minsan nang napabalitang naghiwalay sila dahil sumama ang loob ni Julia nang mapabalitang nagcocomment si Joshua sa mga litrato ng kung sinu-sinong babae sa Instagram. Lumikha ito ng malaking isyu at maging ang ama ni Julia na si Dennis Padilla ay nagbanta kay Joshua na huwag nitong sasaktan si Julia ulit.
'Di nagtagal ay mukhang napatawad na rin naman ni Julia Barretto ang kapareha, dahil tuloy na ulit ang pag-arangkada ng kanilang love team. Ngunit nitong linggo lang ay muling pumutok ang usap-usapan na hiwalay na raw ang dalawa!
Wala pa sa kanilang dalawa ang umaamin kung totoo ang mga chismis na ito, ngunit ang ilang mga reporter ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa't dinirekta na mismo kay Dennis Padilla ang kanilang mga tanong! Agad namang ibinunyag ng batikang komedyante na na-b4d shot daw ang binata sa kanya dahil ni minsan ay hindi man lang daw ito nagreach out sa kanya bilang ama ni Julia. Kahit daw noong nanliligaw pa lang at kahit tumagal na ang kanilang relasyon ay hindi naman ito nagpakita ng respeto.
Ngayon nga raw ay si Dennis na mismo ang tumatawag at nagtetext kay Joshua Garcia upang makausap ito, ngunit hindi raw talaga siya pinapansin nito. Deadma lang, ganun.
Gusto lang naman daw sanang kamustahin ni Dennis ang binata, kaya hindi niya maintindihan kung bakit hindi ito sumasagot sa kanya. Dahil dito, tantya ng marami na baka final na nga ang hiwalayang JoshLia-- dahil bakit pa nga naman mag-eeffort si Josh na mapalapit sa magulang ni Julia kung hiwalay na sila?
Totoo man o hindi, hinihiling na lang ng mga fans na sana'y hindi nito maapektuhan ang professional na tambalan ng dalawa, dahil napakabata pa nito para mabuwag na lang bigla.
Source: PEP.ph