Sa loob ng dalawang taon, mag-isang itinaguyod ni Roman Mendoza ang kanyang anak na babae. Halos walang paramdam ang ina ng bata pagkaluwal niya rito. Pinagsabay-sabay ni Roman ang pag-aaral, pagtarabaho, at pagkalinga sa kanyang baby girl. Kung susuyurin mo ang Facebook niya ay mapapansin mong mahal na mahal niya ang bata. Kahit pagod ay inilalabas o ipinaghehele niya ito.
Kaya ganun na laman ang sama ng loob niya nang ipagkaloob pa rin ng korte sa nanay ng bata ang kustodiya dito. Ayon kasi sa batas ay dapat sa ina pa rin mapunta ang bata kapag wala pa itong pitong taong gulang.
Para kay Roman, hindi patas ang batas na ito dahil siya naman ang naghirap na magpalaki sa bata, at syempre pa ay napamahal na ito sa kanya kahit gaano pa kahirap ang buhay na pinagsasabay-sabay niya. Kinukwestyon niya na kung bakit kung kelan malaki na ay saka babalik-balik ang nanay ng bata na para bang binabawi ito.
Kwento ni Roman, siya ang nagpalit ng diapers ng bata kapag ito ay dumudumi. Siya rin mag-isa ang nagtitimpla ng gatas kapag umiiyak ito sa gutom tuwing madaling araw. Halata rin daw na ayaw sumama ng bata sa kanyang nanay gayong iyak ito ng iyak na parang alam niyang may gustong magwalay sa kanila ng ama.
Pinapangako ni Roman sa kanyang anak na gagawin nito ang lahat para mabawi siya. Hindi raw kasi kakayanin ni Roman na makitang ibang lalaki ang magpapalaki sa kanyang anak. Yan ay dahil ang ina ng bata ay may iba nang pamilya, at may bago na ring anak.
Bagamat na kay Roman ang simpatya ng marami, hindi maikakailang maraming hirap pa ang kanyang pagdadaanan upang manalo sa batas. Ika nga nila, dura lex sed lex. Ibig sabihin, malupit man ang batas, ang batas ay batas. Naniniwala ba kayo dito?
Source: Facebook


