May 19, 2019

Pangarap Mo Bang Maging Flight Attendant? Ngayon, Kahit High School Graduate Ka Lang, Pwedeng Pwede Na!



Isa sa mga pinakamagagandang trabaho ang pagiging flight attendant. Isipin mo, makakalibre ka ng paggagala sa buong mundo, at lagi ka pang may IG-worthy na mga photoshoot, pero ikaw pa ang babayaran para gawinang lahat ng 'yan! Sigurado, may dala ring hirap ang line of work na ito pero napakaraming bata ang nangangarap maging FA.

'Yun nga lang, sikat din ang trabahong ito bilang isa sa mga pinakamahirap pasukan. Minsan kasi, kahit maganda ka, s3xy, at matangkad, naghahanap pa rin ng college diploma ang mga airline company, bukod pa sa mismong training na kailangan mong pagdaanan bago makapagsimula sa kanila.


Ngunit ngayon, ibinunyag ng Facebook page na 'Become a Flight Attendant Philippines' na hindi na lahat ng airline companies, naghahanap ng college degree para sa kanilang mga attendants. Ayon sa kanilang post ay may at least tatlong kumpanya na ang kailangan lang ay high school diploma! Hindi ba't napakagandang balita nito para sa mga hindi pinalad maging mayaman para makapag-aral ng kolehiyo.

Bakit ka nga naman kasi magpapakahirap na makapasa pa sa isang 4-year-course kung malinaw na sa iyo ang pangarap mong maging flight attendant? Hindi ba't nakakatamad kunin ang lahat ng mga kursong ipapakuha sa'yo sa kolehiyo, kung hindi mo naman ito magagamit kapag nakasampa ka na sa eroplano?



Ngunit ito ang isang babala: hindi dahil high school graduates lang ang hanap ng ilang airline companies na ito ay ibig sabihin madali na ang makapasok sa kanila. Una, requirement pa rin syempre ang magandang itsura. Ibig sabihin ay matangkad, nasa tamang timbang, at walang masyadong blemishes sa mukha. Pati nga ngipin ay dapat kumpleto rin.

Kaya kung ikaw ay mag-aapply, paghandaan pa rin ang proseso upang siguradong ikaw ay matatanggap at makakamit mo ang iyong pangarap na lumipad at makarating sa kung saan saan! Good luck at sana sa susunod naming pagsakay sa eroplano, kayo na ang nakangiting sasalubong sa amin.

Source: Ptama