Siyam na taon nang tinitiis ni Ersan ang hirap sa paghinga at pakiramdam dahil sa kakaibang bagay na tumubo sa loob ng kanyang ilong. Hindi naman ito isang bukol o ano, ngunit isang bagay na sobrang kakaiba -- ngipin! Hindi naman kulang ang tumubong ngipin aa bibig ng binata, kaya nakapagtataka kung bakit may extra pang isa ang tumubo sa kanyang ilong!
Ilang beses na raw nila itong inilapit sa mga lokal na dentista sa kanilang lugar, ngunit lahat sila ay nagsabing hindi raw nila kayang solusyunan ang issue na ito. Ngayong malaki na si Ersan ay higit nang nakakaabala ito sa kanyang buhay.
Dinala ng team ni Jessica Soho ang binata sa isang espesyalista, at sa wakas ay nagkaroon na ng pag-asa na maaayos pa ang kanyang problema. Pinaliwanag ni Doctor Gerald Hernandez na maraming maaaring naging dahilan ang ab normal na pagtubo ng ngipin sa loob ng kanyang ilong!
Kakaiba raw ang kaso ni Ersan, dahil wala naman itong bingot o ano. Kuwento ng pamilya ni Ersan, kakaiba daw talaga ang bata dahil pagkapanganak pa lang nito ay mayroon na silang nakakapa na matigas sa mga gilagid nito, na parang pinanganak siya na may ngipin na agad!
Sa x-ray na ito makikitang hindi nakaugat sa gilagid ng binata ang ngipin na tumubo sa kanyang ilong, kaya naalis rin ito agad matapos ang simpleng operasyon. Sa isang iglap ay nagbago ang buhay ng binatang si Ersan.
Hindi na ito nahihiya at kaya na din daw niyang pumorma sa kanyang mga natitupuhang babae! Kung iisipin, siyam na taon din ng buhay niya ang nasayang dahil sa ngipin na iyon! Ngayon nga raw ay mas naging maluwag pati ang paghinga ni Ersan kaya laking pasasalamat nitong natanggal na sa wakas ang ngipin sa kanyang ilong. Nawala na rin ang takot sa kanyang puso na baka maimpeksyon pa ang ngipin niyang iyon.
Source: Youtube