May 04, 2019

Pinagtsismisan ang Single Mom Na Ito Dahil Nagbebenta Raw ng Aliw sa Internet. Ngunit Ito Pala ang Totoong Sikreto Niya na Nabunyag ng Mga Pulis


Hindi na sinubukan pa ni Aurora na habulin ang kanyang asawa nang sumama ito sa ibang babae at iniwan silang mag-iina. Bagkus ay ibinuhos niya lahat ng kanyang oras sa pag-aalaga sa kanyang mga anak at paghahanapbuhay para sa mga ito. Ngunit sa kabila ng kanyang pagsisikap, ayaw pa rin siyang tantanan ng mga tsismis at sabi-sabi sa kanilang mga kapitbahay.


Nagsimula ang lahat ng mapansin ni Aling Meng na laging P1,000 na buo ang ibinabayad nito sa kanyang tindahan kahit wala namang trabaho si Aurora. Itsinismis niya ito sa isa pa niyang suki na si Aling Patricia.

"Siguro, naghuhubad iyan sa webcam kaya kahit hindi lumalabas ng bahay, ay marami siyang pera!"

"Naku, nagtaka din nga ako nung bumili iyan ng bagong laptop at nagpakabit ng wifi kahit lagi lang siya sa bahay! Siguro pati mga musmos niyang anak ay ihinaharap niya sa mga foreigner sa internet para pagkakitaan!"

Nanghilakbot ang dalawang tsismosa kaya dali-dali silang lumapit sa barangay at sa pulis para paimbestigahan si Aurora.


Kuwento nila, "Malamang ay ginagamit niya ang mga anak niya sa kalaswaan! Isipin po ninyo, hindi naman lumalabas ng bahay pero palaging mayroong pera?"

Napagdesisyunan ng mga pulis na bisitahin ang bahay ni Aurora para malaman nilang lahat kung ano nga ba ang sikretong itinatago nito.

Nang datnan ng mga pulis si Aurora, nakaharap ito sa computer, may suot na headphones at may kausap na Amerikano!

"Sabi sa inyo, marumi ang babaeng iyan!" sigaw naman ni Aling Patricia sa mga pulis. Nagulat si Aurora at nagtanong kung anong ginagawa ng mga iyon sa bahay niya.

"Alam na namin ang sikreto mo kaya marami kang pera! Pati siguro mga anak mo ay ibinebenta mo sa mga foreigner! Nakakadiri ka!"



Natawa na lamang si Aurora. Itinuro niya ang lalaking kausap sa Skype sabay sabing. "Siya nga pala si Longboy. Amerikano siya at nagtatrabaho ako sa kanya bilang isang virtual assistant. Bale, tagasagot ako ng tawag at mga e-mail niya."

Namula sa hiya ang mga tsismosang kapitbahay, at pati ang pulis ay napakamot sa ulo dahil sa pagkakapahiya.

Source: Viral