Kamakailan lang ay nag-trending ang meme na, "Biktima ka rin ba ng 'Akala ko bata ka pa!' Maraming netizens ang naka-relate at nag-react sa meme, pero wala na yatang tatalo pa sa babaeng ito-- na ngayon ay tinagurian na ring mas magandang kapatid nina Mahal at Mura! Bagamt wala naman siyang relasyon sa dalawang nabanggit, ang kanyang kakaibang liit ay nagiging tampulan ng tukso kagaya nila!
Si Ren Pei Yun ay ipinanganak sa China. Dito na rin siya tumanda. Hindi natin masabing sa China siya lumaki, dahil mukhang hindi naman talaga lumaki ang babaeng ito! Sa height na 51 inches, tila hindi na nakaalis sa pagiging bata si Ren, kahit pa ngayon ay nasa 32-anyos na siya! Dahil dito, hindi na bago kay Ren ang lahat ng panlalait at pang-aasar na may kinalaman sa kanyang kaliitan!
Ngunit kung ano ang liit ng kanyang pangangatawan, siya namang laki ng pangarap at paninindigan ni Ren para sa kanyang sarili! Dahilan ito upang isnob-in na lang at wag na lang niyang pansinin ang ganoong mga pangungutya sa kanya.
Sa katunayan, hindi naging hadlang ang kanyang liit upang maabot niya ang tugatog ng tagumpay. Sa ngayon kasi ay kilala na si Ren sa buong mundo bilang isang tanyag na mang-aawit. Magugulat ka na lang na sa liit niyang ito ay napakataas ng mga notang kaya niyang maabot!
Dumami na rin ang kanyang mga tagahanga dahil kahit maliit ay talagang napakaganda ng babaeng ito. Gaano man naging kahirap ang kanyang pagkabata ay nalampasan niyang lahat ito. Nawa ay magsilbi itong inspirasyon sa ating lahat na wala namang kinakaharap na kakulangan sa buhay upang magpatuloy pa sa paglaban.
Kung nais ninyong suportahan si Ren ay maaaring bumili mula sa kanyang online fashion store, ng mga burloloy na siya mismo ang nagdisenyo! Kudos sa iyo, Ren! Patuloy nawa ang iyong pamamayagpag sa lahat ng bagay na gusto mong makamit!
Source: The Trending Planet


