Sa loob ng maraming taon, walang makatalo sa Kapamilya comedy show na "Gandang Gabi Vice" o GGV, kung saan si Vice Ganda ang host. Kaya labis na nagbunyi ang mga Kapuso nang sa kauna-unahang pagkakataon ay tumabo ng mas mataas na ratings ang kalaban nitong palabas. ang The Boobay and Tekla Show (TBATS)
Ayon sa Kantar, 10 points ang nilamang ng TBATS sa GGV noong April 21! 'Yan ay kahit nag-iisa lang ang guest ng TBATS na si Dennis Trillo, habang tatlo naman ang guest ni Vice-- sina Mark McMahon, Gab Lagman, at Enzo Pineda! Nakapagtataka nga ba ito o hindi?
Maraming naging kuru-kuro ang mga netizen tungkol dito. Maraming nagsasabi na tama lang na natalo ang palabas ni Vice, dahil sinasabi nilang mas nakakatawa naman talaga ang dalawand host ng kabila. Ngunit sabi naman ng mga loyal fans ni Vice, hindi dapat magyabang ang mga Kapuso dahil isang araw pa lamang nitong natatalo ang GGV, sa loob ng ilang taon nitong pamamayagpag!
Pero marami rin ang nag-aakusa na ginagaya lang naman daw ng GGV ang palabas nina Boobay at Tekla! Dahil siguro ito sa pagdadagdag ng segment kung saan nagpa-prank si Vice sa iba-ibang mga artista kagaya na lang nina James Reid at Nadine Lustre.
Siguro ay hindi rin naman patas na sabihing nanggagaya lang si Vice, dahil sa noontime show rin naman na It's Showtime ay madalas itong mang-prank. May pagkakapareho man ay wala namang monopolyo ng pagpaprank ang Kapuso network, dahil matagal naman na itong ginagawa ng mfa komedyante.
Sana ay matapos na ang iringan ng mga fans lalo pa't comedy show naman ang pinag-uusapan. Siguradong higit sa ratings, mas tinitignan naman nina Vice, Boobay at Tekla ang dami ng taong napapasaya nila sa pagpapatawa. Suportahan na lang siguro natin ang karera ng bawat isa sa kanila para na rin patuloy pa silang makapagpasaya at makatulong sa marami pang tao.
Source: KAMI

