May 27, 2019

Ryzza Mae Dizon, Dalagang-Dalaga na Nga, at Lumalaking Isang Fashionista! Look out, World!


Sino nga ba ang makakalimot sa mga simulain ni Ryzza Mae Dizon, na nakilala na bilang si Aling Maliit, dahil sa tila matured nitong pag-iisip sa napakabata niyang edad! Kung noon ay sobrang cute na cute ito kaya madaling sumikat at nakahakot ng mga tagahanga, ngayon ngaý nagbabago na ang mundo. Ang dating bata-- unti unti nang nagdadalaga!

Dati ay sinasabi ng mga tao na hindi naman talaga maganda si Ryzza Mae, at cute lang ngayong siya'y paslit pa! Subalit wala na sigurong makakapagsabi nito ngayon, dahil si Ryzza ay napatunayang may angkin siyang ganda. Puberty hits, ika nga.


Kung dati-rati din ay kung anu-anong cute na outfits lang ang  pinapanlabas ng batang Ryzza Mae, ngayon ay unti-unti nang gumaganda ang kanyang pananamit, na tila ba natutunan niya na ang rules of fashion at siya na mismo ang nagbibihis sa sarili! Mula sa mga rainbow outfits at marunong nang mag monochrome ang bata -- isang tanda na nagmamature na rin ang taste nito sa damit!

Siguro ay nainspire siya ng kanyang role bilang si Boss Madam, na laging posturang-postura kung haharap sa ibang tao! Ngunit ngayong hindi pa ganap na dalaga ay hindi pa rin naman nawawala ang pagkacute at pagkakwela ng batang ito!


Nakakalungkot din isipin na tumatanda na ang isa sa mga kinagigiliwan nating child stars, ngunit nagbabadya rin naman ito ng magandang  balita. Kung magiging matagumpay ang transisyon ni Ryzza Mae bilang child star patungong actual actress, di hamak na mas marami pa tayong makikitang proyekto para sa kanya!

Nakakexcite ito para sa dalagita, na kilala bilang  mabait at napakaprofessional kahit siya'y batang bata pa! Siguradond hindi ito pagdadamutan ng mga roles na babagay sa kanya, dahil talagang masarap siyang katrabaho. Suportado rin siya ng buong Dabarkads family, kaya siguradong maraming gagabay sa kanya sa magulong mundo ng showbiz.

Panoorin kung  gaano na kadalaga si Ryzza Mae dito:




Source: Youtube