May 27, 2019

Angel Locsin, Nakipagpalitan ng Maaanghang na Salita sa Doktor na Nagsabing Isa Siyang Latang Walang Laman!



Hindi pa rin tapos ang kalbaryo ni Angel Locsin. Matapos makipagsagutan at mapatahimik si Jimmy Bondoc, isa namang doktor na ngayon ay based sa Singapore ang ngayo'y kumakalaban sa kanya. Dahil pa rin sa mga politikal na post ni Angel, sinabi ng doktor na masyado siyang nakikisawsaw sa politika gayong artista lang naman siya. Sabi pa ng doktor, parang isang latang walang laman daw si Angel.

Dagdag pa nito, dapat daw siguro mamundok si Angel Locsin upang makita nito ang totoong sitwasyon tungkol sa mga bagay na pinagsasasabi niya. Ngunit binweltahan ito ni Angel na siyang nagsabing madalas naman daw siya sa bundok, at baka daw ang doktor ang may kailangang lumubog ng mas malalim sa masa!


Sabi ng doktor, dapat daw ay maging responsable si Angel sa kanyang mga sinasabi dahil isa siyang artista. Ngunit sabi ni Angel, mas dapat maging responsable ang doktor na kanyang kausap. Si @donzz_MD naman, sinabing lumaki na daw siya sa Eastern Samar kaya kilalang-kilala na raw niya ang hilatsa ng bituka ng mga NPA. Umabot pa sa puntong parang nainsulto ng doktor ang pagiging artista ni Angel.

'Yan ay nang sabihin niyang doktor siya at artista lang si Angel, na parang sinasabing mas madami siyang alam kaysa sa dalaga, gayong noon pa man ay marami na talagang alam sa mga isyung panlipunan si Locsin!

Dito na kinwestiyon ni Angel kung wala raw bang naging kliyenteng artista ang doktor na ito, kaya ganoon na lamang niya kung maliitin ang mga artista!


Marami na namang napahanga si Angel dahil sa sagutang ito. Matatandaang mayroon ding netizen na nagsabing hindi dapat masyadong nakikialam ang mga artista sa kaganapan ng lipunan. Sinagot niya ito ng isang mataray na, "Bakit, pacute lang ba dapat, ganon?" Pak. Alamin sa mga susunod pang araw kung may bago na namang kakalaban kay Angel!

Source: Facebook