May 01, 2019

Teenager na Dalawang Araw na sa Computer Shop, Sinubuan Na Lang Ng Pagkain ng Nanay Niya!



Talaga nga namang hindi madali maging isang ina o nanay. Lagi mong iisipin ang kapakanan ng iyong mga anak, kahit pa hindi mo maramdamang iniisip ka rin nila. Tignan na lamang ang nanay sa kwentong ito. Dahil dalawang araw nang hindi umuuwi ang kanyang anak kakalaro sa computer shop, minabuti niyang pumunta na lang sa computer shop para pagdalhan ito ng pagkain.

Ngunit, ni hindi man lang inalis ng teenager ang mga mata niya sa screen ng computer, kahit dumating na ang kanyang nanay na may dalang pinggan ng pagkain. Dahil dito, mismong nanay niya pa ang nagsubo ng kanin at ulam sa binata, dahil hindi na rin nga ito kumakain mula sa pagkakaupo sa computer shop.


Tila hindi naman masama ang loob ng nanay sa kanyang ginagawa. Maaaring isa itong joke para sa kanya, pero mapapansin na hindi biro ang kalagayan ng kanyang anak. Kaya naman maski nakakatawa ang kwentong ito ay hindi pa rin mapigilan ng ilang netizen na mapatanong-- kung anong meron sa teenager na ito.

Kung dalawang araw na siyang hindi umuuwi, ibig sabihin ay dalawang araw na rin siyang hindi tumutulong sa gawaing bahay, at hindi na rin niya nakukumusta ang kanyang pamilya! Hindi na nga raw siya nakakatulong, siya pa ang nagsilbing abala dahil sa paghahatid ng pagkain sa kanya.


Kung sa inyo ito nangyari at nagkulong kayo sa computer shop ng higit sa isang oras, gagawin din ba ito ng inyong mga nanay? O hahayaan niyang magutom kayo hanggang sa hindi niyo na kaya at mapauwi din kayo? Malamang, yung pangalawa. Kaya maswerte pa nga ang teenager na ito dahil hindi siya pinabayaan kahit siya ay palalo at matigas ang ulo.


Paalala lang sa mga mahilig maglaro sa computer shop, isipin din natin na tayo ay may mga bahay at pamilyang dapat uwian. Huwag magpakalunod sa paglalaro at tumulong din minsan sa mga gawaing-bahay.

Source: Famous Trends