Bago pa magpakasal ang artistang si Cristine Reyes sa asawang si Ali Khatibi at bago pa man sila magkaanak, nakabili na ng napakagandang 2-storey house si Cristine sa may bandang ParaƱaque. Matatandaang isa ang pamilya ni Cristine sa mga nasiraan ng bahay sa Marikina noong kasagsagan ng Ondoy.
Kaya naman nagkaroon ng pagkakataon ang aktres na bumili ng kanyang sariling bahay. At hindi niya lamang ito basta binili-- siya mismo ang namuno sa tatlong buwan na renovation ng bahay na ito, kasama ang kanyang kaibigang interior designer. Talaga nga namang masasabing maganda ang taste ni Cristine Reyes sa bahay at sa gamit, kaya ganito ka-ganda ang kinalabasan.
Parating sinasabi ni Cristine na siya ay mahilig manood ng mga pelikula. Kaya hindi na nakapagtatakang isa sa mga pinakamagagandang bahagi ng kanyang bahay itong mini theater. Kung titignan ay simple lang ito, kaya rin napaka-elegante ng dating. Napapalibutan ng ilang piling mga aklat ang kanyang curved television.
Ang tungtungan nitong kahoy na mount ay built-in, mula kisame hanggang sahig. Napakaganda ng dating nito. Ang bahaging ito lamang ang napupuno ng ibang kulay. Ang ibang mga kwarto at bahagi ng kanilang tirahan ay kulay puti o beige lamang, kaya napakaaliwalas tingnan. Pero ang master's bedroom ang pinakanakakahanga sa lahat.
Makikita sa mga litratong ito na hindi cheap ang taste ni Cristine sa bahay. Sa halip na punuin ito ng kung anu-anong kulay at burloloy, hinayaan niya itong maging simple at talagang elegante. Malayo rin sa magulong sentro ng Metro Manila ang bahay na ito, kaya siguradong nakaka-relax sa pakiramdam tumira dito.
Ngayon, kung bibigyan ka ng pagkakataon na mayroong baguhin sa itsura at ayos ng bahay ni Cristine Reyes para masabi mong perfect ito, ano iyon? At ano naman ang paborito mong bagay o lugar sa loob ng bahay na ito? Sabihin sa amin sa comments section sa ibaba!
Source: Ptama