Napakasakit na bagay ang nangyari kay Diomedes Amis. Apat na daliri nag naputol sa kanya dahil sa pagtatrabaho sa isang factory na walang sapat na safety gear para sa mga trabahante nito. Ang masaklap pa, walang matatanggap na suporta si Amis o tulong pinansyal para ipagamot ang nangyari sa kanya, dahil siya ay contractual employee lamang.
Bukod sa gastos sa pagpapagamot, siyempre ay kailangan din ng suporta ni Diomedes dahil hindi siya nakakapagtrabaho ngayon, habang siya ay nagpapagaling pa. Bukod pa riyan, wala rin kasiguraduhan na makakahanap pa siya ng bagong trabaho, dahil halos lahat naman ng pwede niyang pasukan ay hindi tatanggap ng taong putol na ang apat na daliri sa kanang kamay!
Kaya naisipang lumapit ni Amis sa tanggapan ni Tulfo, na agad namang umaksyon upang makuha ni Amis ang tamang suporta at kabayaran matapos ang nangyari sa kanya. Noong una'y madulas talaga ang factory at agency na pinagtatrabahuhan ni Amis, ngunit nagtawag-tawag si Tulfo sa mga tanggapan, kabilang na ang DOLE.
Sinigurado naman ng DOLE bukod sa benepisyo ng SSS ay may makukuha pa dapat na cash assistance si Amis, dahil sa trabaho naman siya naputulan ng daliri. Sinabi pa ng DOLE na maraming ma-aavail na programa si Amis, kagaya ng rehabilitation program.
Ito ang tutulong kay Amis na matutong mabuhay at magtrabaho pa ngayong kulang na ang kanyang mga daliri sa nakasanayan. Laking pasasalamat ng binata nang malamang lahat ng tulong na ito ay pwede pala niyang makamit!
Kaya sa mga readers nating manggagawa, magandang alamin ang mga bagay na ito upang oras na may mangyaring aksidente sa trabaho ay alam natin ang ating mga karapatan. Bukod sa full reimbursement sa mga bayarin sa ospital, mandato din ng SSS, DOLE, at mga ahensya sa trabaho na suportahan ang mga manggagawa ng bansa! Ang laking tulong na naman ni Raffy Tulfo upang malaman natin ito!
Panoorin dito ang buong episode:
Source: Youtube