Sa isang iglap ay nagbago ang buhay ni FG, isang simpleng minero. Mag-isa lang itong nagmimina isang araw, nang wala namang inaasahang kahit ano. Sa sobrang swerte niya nga lang, nakahukay siya ng isang higanteng bloke, na may libu-libong piraso ng bato na kulay berde. Alam ni FG na malaki ang halaga ng mga batong ito. Ngunit ang problema, sa sobrang laki at bigat nito na umaabot ng 800 pounds, alam niyang hindi niya ito mabubuhat palabas ng minahan mag-isa.
Kaya nga lang, alam niyang kapag siya ay nagpatulong, kakailanganin niya nang hatiin sa mga tutulong sa kanya ang kung magkano mang mapagbebentahan niya sa mga emerald na ito. Sa huli, napagtanto niyang maaari naman siyang mangontrata na babayaran na lang ang mga tutulong sa kanya para hindi na kailangan pang makihati ng mga ito sa mapagbebentahan niya. Wais, di ba?
Sa huli, umabot sa sampung tao ang tumulong sa kanya, ngunit ang ipinambayad niya sa mga ito ay wala pa sa kalingkingan ng halaga ng batong ito!
Nang dalhin niya kasi sa mga eksperto ang kanyang natagpuan, napag-alaman niyang lalagpas ng 300 Million Dollars ang halaga nito! Kumbaga, magiging kasing yaman niya na si Kobe Bryant kung mabebenta niya nga ito. Subalit hanggang ngayon ay hindi pa nakakapagdesisyon si FG kung ibebenta niya na ngang tuluyan ang emerald na ito.
Ngunit simula nang mahukay niya ang napakamahal at mahalagang bahay na ito, araw-araw nang nangangamba para sa proteksyon niya at ng kanyang pamilya si FG. Marami na rin kasing kumontact sa kanya at kursonadang bilhin ang kanyang natagpuan. Kaya sa ngayon ay inilagay niya muna ang bato sa isang lugar na gwardiyado maghapon at magdamag. Iniisip niya rin kasing sa museo na lang ibenta ang bagay na ito, nang sa gayon ay maging bahagi siya ng kasayasyan na mamamasdan ng maraming tao kesa ibenta lang din ng makakabili nito sa kanya, sa halagang mas malaki pa sa kikitain niya!
Alamin mula sa video na ito kung ano pa ang ibang balak gawin ni FG sa higanteng emeralde, sakaling hindi niya nga ito ipagbili.
Source: Youtube