May 06, 2019

Vice Ganda at Ion Perez, Naggala Nang Magkasama sa U.S.! Silipin ang Ilan sa Mga Sweet Photos Nila!



Maraming nagtataka kung bakit hindi pa rin tuwirang umaamin hanggang ngayon ang rumored boyfriends na sina Vice Ganda at Ion Perez. Maaaring hindi pa sila handa sa mga sasabhin ng ibang tao. Pwede rin namang sa tingin nila ay hindi naman talaga nila kailangang umamin o magpaliwanag sa kahit kanino tungkol sa totoong relasyon nilang dalawa.

Sa kabila nito, hindi rin naman itinatago ng dalawa kung gaano sila kasweet at ka-close sa isa't isa. Ngayon nga ay nasa Los Angeles, California si Vice Ganda para magtanghal. Hindi klaro kung kasama niya si Ion sa mismong show, ngunit mamamataan ang dalawang magkasama dahil sa mga Instagram post mismo ni Vice Ganda!


Sa ilang mga litrato nga ay makikita pang kasama nina Vice at Ion ang mga kapatid ni Ion! Sabi nga nga mga netizens ay mukhang dadalhin na ng dalawa sa seryosohan kung ano man ang mayroon sila at ayaw aminin ngayon! Ngunit may ibang netizen din na nagsasabing baka may ibang pakay ang dalawa kung bakit magkasama sila sa U.S.

Matatandaang legal na sa lahat ng estado sa Amerika ang pagkakasal ng dalawang lalaki o dalawang babae. Ang sabi ng iba, kung hindi namna kasama si Ion sa palabas ni Vice Ganda, hindi nga kaya ay nagpakasal na ang dalawang ito sa U.S. nang hindi inaanunsyo sa mga fans nila sa Pilipinas?


Ngunit marami rin naman ang hindi naniniwala sa haka-hakang ito. Sagot ng iba, malamang ay trabaho ang ipinunta ng dalawa sa Amerika dahil kasama din nila si Ate Girl Jackie! Kung anu-anong lugar man ang kanilang pinuntahana ay siguradong side trip lang at dahil puno ang schedule nila sa mga palabas ay wala naman silang oras para magplano ng kung ano mang kasalan.


Sa palagay ninyo, seryoso na nga ba ang relasyon nina Vice at Ion? At kung hindi man ngayon, nakikita niyo bang dadalhin nila ito hanggang sa kasalan? Bakit at bakit hindi? Sabihin sa amin sa comments section!



Source: Youtube