May 05, 2019

Pinabilib ng Bagong Kasal na ito ang Mga Netizens Dahil sa Kanilang Kakaibang Gimik sa Kasal! Silipin Dito!



Bata pa lang tayo ay mayroon na tayong ideya kung ano ang itsura ng isang magandang kasal. Puro puti ang lahat ng makikita simbahan at reception, at hihintayin ng lahat ang bride na bababa mula sa isa ring puting kotse.. na mayroon pang nakadikit na bulaklak! Subalit kung iisipin, hindi naman talaga kailangang sumunod sa set-up na ganito, lalo na kung hindi naman ito ang gusto ng mag-asawang ikakasal.

Dahil minsan lang ito mangyari sa buhay ng dalawang nagmamahalan, dapat ay maisabuhay ng isang araw na iyon ang personalidad, karakter, at mga kagustuhan sa buhay ng bride at groom. Ito ang dahilan kung bakit napahanga ang marami sa wedding entourage ng couple na ito, na inupload ng isang kaibigan sa social media.


Sa halip na bumaba mula sa isang puti at kumikinang na sasakyan, sabay lamang dumating sa simbahan ang bride at ang groom-- sakay ang kani-kanilang mga bike! Oo, maging ang bride na nakasuot ng traje de boda at naka-full make up ay tila tuwang tuwa sa kanilang bike ride patungo sa simbahan!

Bukod sa tiyak na nakamura ang dalawa dahil hindi na sila umarkila pa ng mamahaling sasakyan, talagang narepresenta ng kasal na ito ang personalidad ng asawang babae at lalaki. Kung iisipin mo nga naman, bakit nila kakailanganing magpanggap na mga ibang tao para sa kasal? Bakit hindi nila gagawin ang mga bagay na hilig nilang gawin nang magkasama dahil lang ito ang inaasahan ng lahat?



At dahil sinunod nila ang kanilang mga puso, trending pa sila ngayon! Naiimpluwensiyahan na rin nila ang iba pang mga batang nagmamahalan na mangarap ng kasal na magpapaligaya sa kanilang mga ikakasal, at hindi lamang para sa kanilang mga bisita.

Kung kayo ang tatanungin, maiisip ba ninyong gawin ito para sa sarili ninyong kasal? O kung hindi naman, ano ang kakaibang maaari niyong gawin para sa sarili ninyong pag-iisang dibdib?


Source: PTAMA