May 03, 2019

Wag Kaawaan si John Lloyd Cruz Dahil Mas Yumaman Pa Ata Ito Nang Mawala sa Showbiz!


Maraming usap-usapan at tsismis ang bumalot kay John Lloyd Cruz simula nang mawala ito sa tugatog ng pag-aartista. Ayaw siyang lubayan ng mga komento at kritisismo. Marami rin ang naaawa at nanghihinayang dahil tila raw sinayang ni Lloydie ang kanyang magandang buhay at karera nang dahil lang sa isang babae.


Ngunit kamakailan lang ay kumalat sa social media ang mga litrato ng bagong family home ni John Lloyd. Dito napanganga na lang ang maraming netizen. Siguradong matatahimik na lahat ng bumabatikos sa desisyon ng aktor na mamuhay at lumagay sa tahimik. Sino nga ba naman kasi ang maglalakas ng loob maawa sa kalagayan umano ni John Lloyd Cruz kung ganito nman kaganda at kagara ang bago niyang bahay!


Sa labas pa lang ay talagang kitang-kita mong pinag-isipan ng designer ang itsura ng bahay. Kahit siguro si Basha ay mapapahanga sa design ng bahay na ito. Hindi ganoon karami ang kanto. Ang ganda ng kulay. Halatang hindi takot magkapamilya ang may-ari. Sa katunayan, parang napakasarap lumaki sa ganitong bahay kung ikaw ay bata.

Napakamodernong tignan, ngunit kung iyong papasukin ay mamamangha ka rin sa kainan pa lamang. May kandelyera na kahit hindi luma ay parang galing sa isang pelikula. Napaka-intricate ng itsura nito at talagang bagay na bagay sa 10-piece Narra dining set ni John Lloyd!


Sa labas din ng bahay ay mayroong sariling koi pond si Lloydie. Alam ng lahat na bukod sa pagiging maganda, maswerte din daw ang pagkakaroon ng mga isdang ganito sa bahay! Sino nga ba namang hindi makakaramdam ng swerte kung sa wakas ay isinasabuhay mo na ang pangarap mong tahimik na buhay, malayo sa nakakapasong init ng kasikatan!


Maging sino ka man ay mamahalin mo sigurong tumira s Antipolo house na ito. Kung ikaw ang tatanungin, masaya ka na ba para kay John Lloyd Cruz matapos mong makita ng mga litratong ito? Bakit o bakit hindi? Sabihin sa amin sa comments section!

Source: real living