Inireklamo ni Roosevelt ang mismong amang si Ronaldo sa palatuntunan ni Raffy Tulfo sa TV5. Nagtatrabaho bilang OFW si Roosevelt. Bunga ng kanyang pagsisikap, naibili niya ng van na pang-hanapbuhay ang ama. Subalit nagbago ang lahat ng magkaroon umano ng girlfriend ang Tatay Ronaldo, na isang 22-anyos na magulang. Imbes daw na magamit ng mga kapatid ni Roosevelt ang van kung hindi naman ito ginagamit pang business, ang batang jowa lang daw ng ama ang nakikinabang dito bilang service.
Dahil tutol sa relasyon ng dalawa si Roosevelt, nais nitong bawiin ang van na iniregalo sa ama. Bahagyang nag-init ang ulo ni Tulfo nang marinig ito. Tinanong niya si Roosevelt kung hindi raw ba ito naaawa sa kanyang ama na tatanggalan niya bigla ng pangkabuhayan at pagkukunan ng tuwa gayong iniregalo niya naman iyong van para sa kaarawan ng ama.
Nang makausap ni Tulfo si Tatay Ronaldo ay napag-alaman nitong nagtatampo na ang matanda dahil nga sa napipintong pagbawi ng regalo sa kanya. Minungkahi ni Tulfo na pag-usapin na lang ang dalawa sa mismong palabas niya, at nang magkaayos na sila. Pumayag naman ang bawat panig.
Nang magkaharap-harap na, nabunyag na hindi naman nagmamayabang ang anak na si Ronaldo. Ang totoo niyan, mahal na mahal nga raw niya ang ama sa puntong kahit gaano pa kamahal ang kapricho nito ay napagbibigyan niya. Nang minsan nga daw na humiling ito ng videoke ay binilhan niya, kahit gumastos siya ng tumataginting na P100,000.
Humingi na rin ng paumanhin ang ama sa di nila pagkakaunawaan ng anak, at sa huli ay wala nang naging problema. Saludo rin ang lahat kay Tulfo dahil agad nitong natunugan na kailangan lang magharap ng dalawa para hindi na lumala pa ang kanilang tampuhan, at ganoon na nga mismo ang nangyari!
Panoorin ang makabagbag-damdaming pag-aayos ng mag-ama sa episode na ito:
Source: KAMI