May 17, 2019

Ai-Ai, Nagbitiw Bilang Manager ng Ex-Battalion, Masamang Ugali ng Grupo, Ibinunyag Niya Dito!



Kahit sino naman siguro ay gugustuhing maging manager ng Ex-Battalion noong unang beses silang sumikat. Napakalaki ng potensyal ng grupong ito, at mga mapagkumbaba ang mga miyembro. Ngunit kamakailan lang ay pumutok ang usap-usapan na sinukuan na raw sila ng kanilang manager na si Ai-ai Delas Alas dahil sa kanilang ugali!

Sa isang interview, kinumpirma ng komedyante na nagbitiw na nga siya. Nang tanungin kung anu-anong mga ugali ba ng grupo ang hindi niya na nakayanan, napakaraming bagay ang naibahagi ni Ai-ai. Unang-una, hindi raw marunong rumespeto ang grupo sa oras ng ibang tao.


Matatandaang naantala ang premiere night ng pelikulang 'Sons of Nanay Sabel' dahil dalawang miyembro ng Ex-Battalion ang hindi nakarating agad at kinailangan pang hintayin. Kuwento ni Ai-ai, noong mismong araw ng premiere night lang naghanap at bumili ng isusuot ang dalawa, bagay na labis niyang ikinagalit.

Sinermunan niya daw ang mga ito na wala silang karapatang paghintayin ang ibang mas matatanda at mas tanyag na artista. Ngunit pagkatapos ng nangyaring iyon ay hindi naman daw nagbago ang ugali ng mga miyembro ng grupo. May mga pagkakataon daw na bigla na lang silang hindi sisipot sa event kung saan inaasahan na sila. Marami na rin daw miyembro ng grupo ang umalis nang walang pasabi o paalam.


Halata ang sama ng loob ni Ai-ai sa kanyang pinagdaanan dahil iyak siya ng iyak sa buong interview na ito. Sabi niya, madalas din daw siyang sabihan ng kanyang asawa na tumigil na sa pag-mamanage sa grupo, dahil puro problema at sama ng loob lang naman ang naidudulot nito sa kanya. Sa ngayon, sabi ni Ai-ai ay hindi na rin muna siya hahawak ng iba pang grupo. 


Magfofocus na lang daw muna siya sa pag-aartista, pagiging komedyante, at pagcoconert-- at sa paggawa ng mga bagay na hindi ikasasama ng kanyang loob.

Panoorin ang kabuuan ng interview dito:



Source: Youtube