May 17, 2019

Nabaon na sa Utang ang Magulang ng Batang Ito Dahil sa Malubhang Sakit. Pero Mas Nadurog ang Puso Nila Sa Naisipang Gawin ng Bata Dahil Dito



2014 pa nang makitaan ng kakaibang sakit ang batang si Xiaoqing. Ayon sa mga doktor ay mayroon itong rare na uri ng k@ns3r, dahilan upang mapadalas ang pagpapagamot sa kanya. Nakatira lamang sila sa probinsya, sa Hennan sa China. Dinadala pa nila ang bata sa karatig-bayan ng Puyang upang makapagpa-doktor. Subalit nang lumaon ay hindi na rin siya magamot ng mga doktor doon dahil kulang-kulang din naman ang kanilang mga kagamitang pang-opsital.

Sinabihan ng doktor ang pamilya ni Xiaoqing na kailangan nilang sa Beijing magpagamot. Kahit kapos sa pera ay nakinig ang mga magulang ng bata, dahil wala silang ibang gusto sa buhay kundi ang paggaling ng kanilang mahal na anak. Ngunit nang makarating sila sa Beijing ay inabisuhan sila ng doktor na bago maoperahan ang two-mor ng bata ay kailangan muna nitong mag-kimoterapi.


Alam naman nating lahat na matagal ang proseso at napakamahal ng gamutang ito, kaya nalubog na rin sa malalim na utang ang mga magulang ng bata. Kung saan-saan lang sila natutulog kapag kailangang manatili ni Xiaoqing sa ospital sa Beijing, dahil ayaw nilang mag-aksaya pa ng pera sa pagbabayad sa isang hotel.

Minsan, nahuli ni Xiaoqing na umiiyak ang kanyang mga magulang dahil sa hirap at bigat ng problemang kinakaharap nila. Kaya naisipan ni Xiaoqing na kausapin ang kanyang mga magulang, at wala na nga sigurong mas sasakit pa sa mga susunod niyang sinabi:



Kinausap niya ang kanyang mga magulang at sinabihang huwag nang gastusan pa ang pagpapagamot sa kanya, dahil masyado nga itong mahal. Sinabi niyang kahit naman mawala siya ay may dalawa pang ibang anak ang kanyang mga magulang. Lalong nadurog ang puso ng mag-asawa sa kanilang narinig, ngunit pinangako nila sa anak na kahit kailan ay hindi nila ito pababayaan at gagawan ng kahit anong paraan ang kanyang paggaling.

Talagang nakakabilib ang pagmamahal ng pamilyang ito sa isa't-isa. Sana ay suklian sila ng isang milagro o tulong mula sa napakaraming tao upang malampasan nila ang ganitong klase ng problema.

Source: Daily Mail UK