Muntik nang magpang-abot si Zaldy Pavia at ang kanyang anak sa mismong palatuntunan ni Raffy Tulfo sa Part 3 ng pagrereklamo ng mag-inang ito. Nag-umpisa sa hinanakit ng isang ina dahil hindi man lang daw pinaalam sa kanilang pamilya na si Zaldy ay nakababa na ng barko. Ni wala raw itong pahatid sa kanila na siya ay nakabalik na ng Pilipinas. Blinock pa daw nito ang kanyang mga anak sa Facebook para hindi siguro malamang nandito na siya!
Pumapalya na din daw sa pagpapadala ng sustento at kahit perang pang tuition si Zaldy. Ang masakit pa niyan, dala-dalawa ang kabit nito at parehong naaambunan ng kanyang yaman!
Lalo pang nainis si Tulfo nang makaharap mismo ang nirereklamong si Zaldy. Nagtangka pa itong lumusot at magsabing wala naman daw siyang kabit, ngunit matibay ang ebidensya ng asawa laban sa kanya! Lalo pa itong pinalakas ng salaysay ng kanilang anak na nagsabing pinalayas daw silang magkakapatid ng sarili nilang tatay dahil lang ayaw nitong magsustento!
Pati ang kapatid ng babae ni Zaldy ay nakisali sa gulo. Dito raw nagpapadala si Zaldy ng pera dahil kung sa asawa daw niya ipapadala ay wala siyang tiwala rito. Muli na namang nagpanting ang tainga ni Tulfo sa narinig, na parang hinahalintulad pa ng lalaki sa isang hayop ang kanyang asawa.
Sa sobrang sama ng loob ay muntik nang nang
masapak ng binata ang kanyang ama. Iginigiit kasi ni Zaldy na wala sanang narating ang anak kung hindi siya nagsakripisyo at nagtrabaho bilang OFW. Sagot ng anak, kaya raw nitong makakuha ng scholarship at makapag-aral ng libre kung gugustuhin. Sa puntong ito ay pinaratangan ni Zaldy na nagmamataas ang kanyang anak.
Inawat na ni Tulfo ang eksena bago pa man ito mauwi sa matinding sakitan. Sa huli ay sinabi ng binatang kahit hindi na raw magpakita sa kanya ang ama ay ayos lang, kung ayaw din naman nitong magpakatino at magpakatatay.
Source: Youtube