May 25, 2019

Natatandaan Niyo Pa Ba si Viral Mcdonalds Boy? Hindi Niyo Aakalaing Ganito Na Kaganda ang Buhay Niya Ngayon!



Naaalala niyo pa ba ang batang lalaking nakunan ng picture habang masipag na nag-aaral sa labas ng isang Mcdonald's sa Cebu? Noong 2015 ay napukaw ng batang si Daniel Cabrera ang puso ng mga netizens dahil sa ipinamalas nitong gana sa pag-aaral kahit na ang pamilya niya ay hirap.

Single mother na rin ang kanyang nanay, at tatlo pa silang maliliit na anak na binubuhay nito, kaya hindi sila makayanang itira sa mas maayos na bahay kung saan may ilaw at maayos na makakapag-aral si Daniel. Kaya humanga ang lahat nang makita ang dedikasyon ng bata na ginamit lang ang lamp post malapit sa Mcdo upang makapag-aral siya!


Pangarap daw kasing maging pulis ng batang ito pagdating ng araw, kaya lahat ng pagsusumikap sa pag-aaral ay kanyang ginagawa. Hindi naman inakala ng bata na siya ay makukuhanan ng picture. Ngunit lalong higit na hindi inaasahan ng kanyang pamilya na ang litratong iyon pala ang magiging susi sa pagbabagong tuluyan ng kanilang buhay!

Dahil sa dami ng humanga kay Daniel, bumuhos din ang suporta at tulong pinansyal para sa kanya, mula sa mga taong nakakita ng litrato niya. Nakakuha na ng scholarship si Daniel, at pati P1,500 na monthly allowance hanggang school supplies ay sinagot ng Mcdonalds branch kung saan siya unang nakilala!


May isang pari din na nag-abot ng P3,000 sa nanay ni Daniel, na ginamit naman nito bilang down payment sa apartment kung saan sila ngayon nakatira! Ngunit hindi pa yan ang lahat, pati panimulang hanapbuhay ay naipagkaloob na rin sa pamilya ni Daniel. Kaya naman di hamak na mas maalwan na ang buhay nila ngayon.


May isang pulis-Mandaue rin na nangakong sasagutin ang pampaaral ni Daniel ng college para maisakatuparan nito ang pangarap na maging isang pulis!

Hindi ba't talagang nakakabilib ang narating ng pamilyang Cabrera dahil lamang sa simpleng litratong iyon?

Source: Ptama