May 02, 2019

Ganito pala Ka-Yaman si "Sample King" Jhong Hilario!


Araw-araw nakikita at napapanood sa TV si Jhong Hilario. Tuwing tanghali ay pinapasaya niya ang It's Showtime bilang host at Sample King. Sa gabi gabi naman ay pinakukulo niya ang dugo ng mga fans ni Cardo Dalisay bilang si Alakdan na karakter sa palabas na Ang Probinsyano.


Bukod pa diyan, sinabak na rin ni Jhong Hilario ang larangan ng pulitika bilang isang Councilor sa Makati. Ngayong 42-anyos na siya, marami na nga talaga siyang nakamit at malayo na ang narating. Sa kabila nito, nananatili siyang simple at walang kayabang-yabang sa katawan. Kaya rin siguro hindi mo aakalaling isa pala siya sa mga pinakamayayamang artista sa Pilipinas!


Para sa kaalaman ng lahat, ang huling naitalang net worth ni Jhong Hilario ay 11 Million Pesos. Napakalaki, hindi ba? At tandaang araw-araw ay malaki ang kinikita niya dahil daily ang kanyang mga palabas sa ABS-CBN. Gayunpaman ay walang kapansin-pansing luho si Jhong bukod na siguro sa mga branded na sapatos, na kahit sinong artista naman ay meron dahil na rin sa mga sponsorships.


Pero kung sisilipin ay nagnamay-ari si Jhong ng magandang bahay at kotse. Siguro ay hindi lang talaga niya ugaling gumastos sa mga walang kwentang bagay na walang pakinabang. Matagal na panahon na rin ang lumipas simula nang mag-umpisa ang karera ni Jhong. Matatandaang nagsimula siya bilang original na member ng '90s dance group na Streetboys.


Nawa ay maging inspirasyon si Jhong sa mga batang may talento sa pagsayaw. Madalas ninyo sigurong maririnig na walang kinabukasan o magandang buhay ang naghihintay sa pagpupursige sa ganitong klaseng talento, ngunit si Jhong ay isang patunay na basta iyong paghuhusayan ay makakamit mo anuman ang naisin mo sa buhay.

Para kay Jhong Hilario, wala tayong ibang hiling kundi patuloy pang yumabong ang kanyang karera para lahat ng gusto niya ay kanya pa lalong maabot.


Source: PTAMA