Araw-araw na lang ay niyayaya ng kanyang mga katrabaho si Winona na kumain kasama nila. Ngunit pinagtataka nila na halos isang taon na silang magkakatrabaho ay hindi pa rin ito pumapayag. Misteryosong nawawala si Winona kapag oras na ng lunch, bagay na ikinabahala naman ng kanyang mga kasamahan.
Nang lumaon, kumalat ang usap-usapan na baka raw may sakit sa pagkain si Winona-- baka raw ito ay an0rex!c kaya hindi sumasama sa kanilang kumain. Sinubukan siyang hulihin minsan ng dalawa sa kanyang pinakamalalapit na kaibigan sa opisina. Nagpaalam na sina Rose at Thea na lalabas para kumain, pero ang hindi alam ni Winona ay nagtago lang ang dalawa sa CR.
Sa kalagitnaan ng lunch break ay lumabas na ang dalawa at nakita nila si Winona sa kanyang desk, umiiyak. Akala nila ay makikita nila itong nagbibinge eating bago isuka ang lahat ng kinain, pero hindi nila inasahang umiiyak lang pala ito sa kanyang desk!
'Winona, bakit ka umiiyak?'
Nagulat si Winona nang malamang naroon pa pala sa opisina ang dalawa! Hindi niya na napigilang sabihin sa dalawa ang tunay na problema niya.
"Hindi ako makasama-sama sa inyo maglunch kasi ganito lang ang baon ko araw-araw!" sabay nilabas niya ang isang balot ng kanin na walang ibang ulam kundi ilang patak ng toyo.
Pagpapatuloy nito, "Working student kasi ako, at sa totoo lang ang hirap ng buhay. Alam kong masasarap ang mga kinakain niyo tuwing lunch kaya hindi ako sumasama. Alam kong maiinggit lang ako at kayo naman, maaawa sa akin!"
Sa puntong ito ay umiiyak na rin sina Thea at Rose. Niyakap nila si Winona at sinabing, "Sumama ka na sa amin araw-araw. Kami na ang bahala sa lunch mo. Huwag ka nang magbaon."
Sabi pa ng dalawa ay sana sinabi na lang nito nang mas maaga dahil hindi naman siya pagtatawanan o ijujudge. Edi sana raw ay noon pa sila nagshare sa lunch, dahil mahal naman nila ang kaibigan at ayaw naman nilang sila lang ang nabubusog.
Nang sumunod na araw, iyon ang unang araw na nakasama sa lunch out si Winona. Nilibre siya nina Thea at Rose sa Samgyupsal.

