May 17, 2019

Katakut-takot na Langaw Namemeste sa Leyte! Mayor Inireklamo kay Tulfo Dahil Nagkukulambo na Lang ang mga Residente Para Makakain!


Sa isang lugar sa Leyte, kinakailangang magkulambo ng mga residente para lang makakain sila ng maayos. Iyan ay dahil sa napakaraming langaw na namemeste sa kanila. Kwento pa nga ng nagreklamo kay Raffy Tulfo, katatapos lang ng piyesta sa kanilang bayan kung saan libo-libong langaw rin ang nakipiyesta!


Depensa ng Mayor at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan, wala na raw mga langaw sa lugar nila dahil nasolusyunan na nila ang ugat ng problema-- ang mga karatig lugar na poultry o iyong mga nagpapalaki ng mga manok para sa trade. Minabuti ni Raffy Tulfo na ipadala ang kanilang team sa Leyte upang malaman kung ano ang totoong kalagayan sa lugar.


Napatunayan nga ng mga residente na hindi naman nabawasan ang pamemeste ng mga langaw sa kanila. Sa katunayan, naaktuhan mismo ng mga tauhan ni Raffy Tulfo na winawalis ng isang residente ang isang bulto ng mga patay na langaw. Nakaksuka itong tignan at talagang maaawa ka sa mga batang nakatira sa lugar dahil siguradong hindi maganda para sa kanilang kalusugan ang ganitong pamumuhay.

Tinungo ng team ni Tulfo ang City Hall upang maningil sa pangako ng lokal na gobyerno na solusyonan ang isyu ng langaw. Sabi kasi ng nagreklamo kay Tulfo ay ilang ulit na nila itong sinubukang ireport, at ang tanging ginawa ng mga opisyal ay mag interview, ngunit wala namang ginawang aksyon.


Mabuti na lang nga at iginiit ng grupo ni Tulfo na aksyunan na agad ng Mayor ito, kung ayaw niyang magkakaso dahil sa pagpapabaya sa kanyang mga nasasakupan. Sino ba naman kasi ang may gustong magkubli sa loob ng kulambo para lang masigurong hindi makikisalo ang sandamakmak na langaw sa kanilang pagkain?

Nakahinga ng maluwag ang mga nagrereklamong residente nang mangako ang lokal na opisyal na ipapasara ang mga malapit na poultry farm kung hindi nila aayusin ang pamamalakad nang sa gayon ay hindi pinepeste ng langaw ang kanilang mga kapitbahay.

Panoorin dito kung paano nasiguro ni Tulfo na mangyayari ang lahat ng ito:



Source: Youtube