Kung bibigyan ka ng isang milyon pero ang kapalit ay kailangan mong tumira sa loob ng isang imburnal sa loob ng dalawampu't dalawang taon, gagawin mo ba? Malamang ay hindi, 'di ba? Pero baka mag-iba ang inyong pananaw kung makita ninyo ang loob ng imburnal na tinitirhan ng mag-asawang Colombian na sina Maria Garcia at Miguel Restrepo.
Noong magkakilala silang dalawa, parehas pa silang adik sa droga. Sa Medellin, Colombia sila nagkakilala, isang lugar na notoryus sa krimen at droga. Ngunit nang sila ay nagsimulang magmahalan, nangako silang pagbubutihin na ang kanilang buhay. Sabay nilang itinigil ang pagdodroga at nangakong mabubuhay nang matino.
Dahil wala silang kapera-pera at wala ring mga taong maaaring tumulong sa kanila, sa loob ng imburnal na ito nakahanap ng matutuluyan ang mag-asawa. Kung akala ninyo ay napapalibutan sila ng basura, dumi ng tao, o putik, nagkakamali kayo. Ang totoo niyan, nabago nila ang imburnal na ito para maging isang maayos na tahanan para sa kanilang pamilya.
Wala man silang mga anak ay mayroon silang isang aso na nagngangalang Blackie, na kasama rin nilang nakatira sa imburnal. Kapag wala sila ay ito raw ang nagbabantay sa kanilang munting tahanan. Sa kabila ng lahat, mukhang masaya naman ang kanilang pagsasama.
Lahat ng mga basic na kailangan upang mabuhay ay naipundar na ng dalawa sa loob ng kanilang mumunting tahanan. Mayroon silang kuryente, tubig, at mayroon pa ngang maliit na kusina. Kung sila raw ang tatanungin ay hindi na sila humihiling ng higit pa rito. Wala na rin silang intensyon na iwan ang kanilang tahanang noon ay simpleng imburnal lamang.
Kagaya rin nga ng ibang pamilya na may normal na mga tahanan, hilig rin ng dalawa na lagyan ng kung anu-anong dekorasyon ang kanilang bahay kapag may okasyon! Tignan sa video na ito kung ano nga ba ang buong itsura ng kanilang tahanan:
Source: Youtube

