Showing posts with label Health. Show all posts
Showing posts with label Health. Show all posts

March 16, 2020

Alamin ang Sintomas ng Coronavirus at Paano Maiiwasan Ito

4:09 PM


Novel coronavirus is from the city of Wuhan, in the province of Hubei in China. In its first week, more than 100 died from the infection and 6,000 were affected. Apart from China, there have also been cases of 2019-nCoV reported in the United Arab Emirates, France, Japan, Australia, United States, Canada, Malaysia, Nepal, Singapore, South Korea, Taiwan, Thailand, Vietnam, and Philippines.

In the Philippines, there have been a total of 140 cases as of March 16. Most of the reported cases were in Metro Manila, the country's capital. In order to contain the virus, the government has already imposed a community quarantine on Metro Manila starting on March 15 lasting until April 15.



What can you do to protect yourself against the virus? As of now, there's still no cure to coronavirus, so prevention is the key when it comes to protecting yourself. You must also be familiar with the symptoms early on since the virus has between 7-14 days of the incubation period.

Common symptoms of coronavirus are fever, cough, cold or respiratory problems. In severe cases, it can cause pneumonia, acute respiratory syndrome, death. Human-to-human transmission of the virus occurs when the person who carries it is approached, for example, at home, at work, or in the hospital.




Consult your nearest health facility immediately if you have symptoms such as fever, cough, and colds. There is no drug or vaccine against 2019-nCoV yet. It is best to relieve symptoms or primary care for those who are infected.

Always wash your hands with soap and water. Avoid close contact with people with fever, cough, and cold. Make sure the foods are clean and well-cooked. Masks are not proven in protecting you from the virus, and it is only necessary for sick people or caregivers.



What precautionary measures are you taking to protect yourself from ncov? We'd love to hear from you, so don't hesitate to share your thoughts in the comments section below. For more updates on the latest happenings, feel free to follow us on Facebook.

February 04, 2020

7 Effective Ways to Get Rid of Wrinkles Using Natural Ingredients

11:51 PM


Wrinkles are a tell-tale sign of aging. They are the greatest fear of people who want to maintain their youthful look. We never run out of 'miracle' products in the market that promise to get rid of wrinkles instantly, but they don't always work for everybody.

Today, we'll show you effective ways to get rid of wrinkles without burning a hole in your pocket! Most of the natural ingredients in this list can be found in your home so you won't even need to spend a dime. And more importantly, they are effective.


1. Olive Oil



Aside from being a good source of antioxidants, olive oil is also abundant in vitamins A and E. To use this, massage it for a few minutes in the area to regenerate your skin.


2. Fenugreek



Make a paste of fresh fenugreek leaves and apply on the affected areas. Leave this on overnight and rinse with water in the morning. For best results, do this regularly.



3. Aloe Vera


This plant is not only good for your hair, but for your face too! Thanks to its hydrating properties, it can improve the elasticity of your skin. Apply aloe vera in your wrinkles and wash it off after an hour.


4. Bananas



Aside from being a healthy food, banana is also good for your skin. Make a paste from ripe bananas and rinse after 30 minutes. Doing this regimen twice a week is guaranteed to give you youthful skin.


5. Carrots


Thanks to the vitamin A found in carrots, you can have smooth and supple skin. Blend mashed carrots with honey and use it as a mask in your face. Wash off with lukewarm water after 30 minutes.


6. Lemon Juice


Lemon has been known as a great brightening agent. To lessen the appearance of fine lines, just apply lemon juice in your skin then rinse off after 10 minutes. For best results, do this three times a day.


7. Pineapple


This tropical fruit is rich with enzymes that can help improve the elasticity and hydration of your skin. Rub it gently on your face then rinse after 20 minutes.

If you want to see faster results, consistency is the key. Follow the proper procedures and be diligent in doing them regularly. Before trying any of these, make sure that you are not allergic to the ingredients listed above.

January 31, 2020

Package Galing China, Maaari Nga Bang Magdala ng Coronavirus?

2:21 PM

Sa gitna ng novel coronavirus outbreak sa Wuhan, maraming tao ang nababahala sa pag-travel sa China sa pangambang mahawaan ng virus. At kung ikaw ay madalas umorder online, malamang nagdalawang isip ka rin sa pag-order sa Lazada o Shopee, dahil karamihan sa mga produkto nito ay galing China. Ngunit dapat nga ba tayong mangamba?

Maaari nga kayang maipasa ang novel coronavirus sa isang package na galing China? Ito ang mga tanong na bumabagabag sa mga tao, ngunit ayon sa latest na pagsusuri ng mga eksperto, wala tayong dapat ikabahala.


Ayon sa Control Disease Center, wala pang naitatalang kaso ng nahawaan ng coronavirus dahil mula sa package. Napakaliit ng risk na mahawaan ka ng sakit sa ganitong paraan dahil sa survivability ng coronavirus. Malakas ito sa loob ng katawan ng tao, ngunit kapag wala itong host ay mabilis lamang ito mamatay.

"In general, because of poor survivability of these coronaviruses on surfaces, there is likely very very low risk of spread from products or packaging that are shipped over a period of days or weeks at ambient temperatures."


Sa katunayan, kahit simpleng araw o UV ray lang ay sapat na para mapatay ang coronavirus, kaya walang dapat ipangamba. Ang mga package galing China ay mahigit isang linggo pa bago dumating sa Pilipinas, at pagdating ng oras na iyon ay paniguradong patay na rin ang virus.

Sa kabilang banda, pinag-iingat pa rin ang publiko sa nagbabadyang panganib na dala ng coronavirus. Upang maging ligtas, umiwas sa mga taong may sakit at siguraduhing magsuot ng mask. Kung ikaw ay nakakaramdam ng mataas na lagnat, ubo, at hirap sa pahinga, kumonsulta agad sa doktor.


May mga kakilala ka rin ba na dapat makaalam nito? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.

May 31, 2019

Kapag May Nakita Kayong Bata Na Ganito Umumpo, Sawayin Agad Ninyo! Alam Dito Kung Bakit!

9:18 AM


Ang mga bata ay mayroon pang malalambot na mga katawan, kaya naman kayang-kaya nilang umupop at humiga sa mga kakaibang anggulo. Ngunit hindi pala ibig sabihin na kaya nila itong gawin sa ganoong edad ay hahayaan lang dapat sila! Minsan pala kasi ay may sinisingil na kapalit sa  paglaki ng bata ang pag-upo o paghiga sa ganitong kakaibang mga anggulo! Kagaya na lamang ng 'W'' sitting position, na pag-uusapan  natin ngayon.

Madalas natin itong makitang ginagawa ng mga maliliit na bata-- iyong upo na nakabukaka, nakaturo paharap ang mga tuhod, at naka-anggulo palikod sa tabi ng puwet ang mismong mga paa.


According sa isang child physiotherapist, maaari daw itong  makasagabal sa pag-debelop ng mga balakang ng mga bata. Dahil nagiging awkward ang tayo ng mga buto, nahihirapang lumaki ang balakang ng mga umuupo sa ganitong pamamaraan. Nariyan din na maaaring maging piki ang mga batang gumagawa nito, o iyon  bang paloob ang bawat hakbang. Hindi ito magandang tignan lalo na sa mga matatanda.


Madali rin daw makuba ang  mga batang mahilig umupo ng ganito. Pati ang ilang mga muscle sa katawan  ng bata ay maaari ring hindi lumaki ng tama dahil sa kakaibang  paraan ng  pag-upo na ganito! Pati raw ang  likod ng hita  ay maaaring maka-engkwentro ng  kung anu-anong mga  sakit!


Kaya raw pag tungtong pa lang ng ating mga anak sa edada na tatlong taong  gulang, kailangan na silang pagsabihan sa tuwing nakikita natin silang umuupo ng ganito. Maaari kasing napaka-kumportable sa  kanila ng ganoong  upo lalo na kapag naglalaro, ngunit kung magiging sanhi pa to ng problema sa kanilang paglaki ay mas mabuti nang maitama kaagad.


Crucial daw na bago umabot sa anim na taong  gulang ay naayos  na at naturuan  na ng tamang pag-upo ang  mga  chikiting upang hindi magkaproblema  sa pagdedebelop ang kanilang mga katawan!

Source: Good Times

Nagpaalbularyo ang Mag-asawang Ito Sa Kagustuhan Nilang Magkaanak. Hindi Nila Akalaing Malaki Pala Ang Kapalit Nito

9:17 AM



Lahat na yata ng pamahiin at kakaibang mga sabi-sabi ay sinubukan na ng mag-asawang Nena at Armando para lamang magkaanak sila. Walong taon na mula nang sila ay ikasal at nagsimulang magsama ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakakabuo. Sumayaw na sila sa Obando at nag-alay ng itlog sa Maria, ngunit wala naman silang napala. 

Hanggang sa napagdesisyunan nilang sundin ang payo ng ina ni Nena na lumapit sa isang albularyo sa probinsya nila sa Bacolod. Ngunit pagdating pa lang nila doon ay tinanong na agad sila ni Aling Marta kung buo na ba ang loob nila sa gagawin.


"Malaki ang hihingin ninyo sa albularyo. Tiyak na  malaki rin ang hihingin nitong kapalit."


Ngunit talagang buo na ang loob ng mag-asawa. At sa loob lang ng dalawang linggo ay nakaramdam na ng buhay sa loob ng sinapupunan niya si Nena. Nang patignan nila sa doktor, nagulat ang mag-asawa nang malamang hindi lang isa kundi kambal pa ang ipinagbuntis ni Nena! Laking pasalamat nila sa albularyo nang dalawin nila ito upang ibalita  na naging matagumpay ang ritwal, ngunit isang  malungkot na tingin lang ang  isinukli nito sa kanila.

Paglipas ng siyam na buwan ay agad napagtanto ng mag-asawa kung ano ang dahilan niyon. Sinabi na agad ng doktor na nagpaanak kay Nena na hindi magtatagal ang buhay ng kanyang kambal sa kadahilanang pinanganak ang mga ito nang may mahihinang baga.


Maghapong ipinaghele ng mag-asawa ang kanilang kambal, at higit isandaang beses nilang sinabi sa mga sanggol na mahal na  mahal nila ang mga ito. Ngunit pagsapit ng gabi, magkasunod  na binawian ng buhay ang kambal.

Totoo ngang nagkaanak sila ayon sa pangako ng albularyo, ngunit ilang oras lang pala nilang  makakapiling ang mga ito. Napakasakit para sa mag-asawa ang pangyayaring iyon  ngunit natutunan agad nilang may mga  bagay na hinihintay kung kailan darating at hindi basta ipinipilit kung kailan lang gusto.

May 25, 2019

Nagbunyi Ang Lahat Nang Mapatay ang 'Sirenang' Ito Ngunit Agad SIlang Nagsisi Nang Ganito ang Sumunod na Nangyari!

4:05 PM


Sa isang lalawigan sa bandang Timog ng Pilipinas, pangingisda ang pangunahing pinagkakakitaan ng isang pamayanan. Isa si Manong Marlon sa mga mangingisda sa lugar na iyon. Minsan, takot na takot itong umuwi sa kanila matapos pumalaot, dahil sa may nakita raw itong sirena! Hindi na nagulat ang mga matatanda doon sa kanilang lugar.

"Kaya hindi maganda ang ating mga huli nitong nakaraan, may pesteng sirena pala sa mga tubig natin! Marlon, kailangan mong mahuli ang sirena upang umalwan ang buhay nating lahat," sulsol ng isang matandang kapitbahay nila.

Kinagabihan, tahimik na naghihintay ang lahat habang mag-isang nagpapalangoy-langoy si Marlon, hinihintay na muling magpakita sa kanya ang sirena. Hindi tumagal ay may nakita na nga siyang kumikinang-kinang, malapit sa kwebang katabi lamang ng kanilang pampang. Takot man ay nilakasan ni Marlon ang kanyang loob, hanggang sa makalapit nang tuluyan sa sirena!



Nagulat siya nang makitang bata pa pala ito, nasa may walong taong gulang lamang! Naawa man ay nanaig ang kanyang galit sa pesteng ito, na nagpapahirap sa buhay nilang mga magsasaka! Kitang kita niya na mula paa hanggang sa mukha ay punong-puno ng kaliskis ang batang ito, kaya dali dali niyang hinuli at iniharap sa lahat ng tao sa kanilang pamayanan.

"Salot ka! Peste ka!" Iyan ang sabay-sabay na sigaw ng mga mangingisda at kanilang mga asawa nang makaharap ang "sirena." Akmang pupulot pa sana bato ang mga ito nang biglang tumakbo ang batang sirena papunta sa may kalsada! Dahil madilim na noon at napakaliit ng bata, nasagasaan ito at humandusay, wala nang buhay, sa semento. Hiyawan ang mga tao dahil sa wakas ay wala na ang peste sa kanilang pangingisda.



Ngunit ang kanilang pagsasaya ay naputol nang biglang may sumigaw na matandang babae!

"Carmina, apo ko!" sigaw nito, habang dahan-dahang naglalakad papunta sa bangkay ng batang babae.

"Apo niyo iyang sirena?" Magkahalong galit at pagtataka ang nasa boses ni Marlon.

"Anong sirena? Apo ko ito, may sakit lang siya sa balat kaya ganyan. Dinala dito ng ina niya kahapon para magpagaling dahil mas mabuti daw ang hangin ng probinsya. Anong ginawa ninyo??  Ha??"


Ngunit walang nakasagot ni isa sa kanila.

May 22, 2019

Dahil Lang sa Simpleng Bagay Na Ito Ay Lumobo ang Mga Tigyawat ni Patricia at Ganito Na Ang Itsura Ngayon!

10:49 PM


Ang napakalaking problemang hinaharap ni Patricia ngayon ay nagsimula lang daw sa dadalawang pirasong tigyawat. Noon ay napakaganda at napakakinis ng balat ni Patricia ngunit labis niyang inalala ang dalawang tigyawat na tumubo sa kanyang magkabilang pisngi. Pinutakte niya ito ng mga toner at iba-ibang produkto, ngunit lumala lang ito imbes na mawala!

Hindi niya pa rin ito tinigilan. Ginamitan niya pa ito ng mga pimple patch! Iyon na nga at lalong namaga ang kanyang mga pisngi dahil sa paglobo ng mga tigyawat na nagsimula na ring dumugo at magnaknak. Talagang nakakadiri na iyon tignan kaya nahihiya na rin si Patricia na maglalalabas.


Isang bagay pa ang lalong nagpalala sa kalagayan ni Patricia, at yun ang paglapit nilang mag-ina sa isang albularyo! May pinapahid daw ito sa mga tigyawat ni Patricia, na nagpalaki lang sa tumubong bukol sa mukha ng kawawang dalaga. Lumala rin ang pangangati nito at binabanyusan niya na lang ng mainit na tubig.

Ang sabi naman ng albularyo, si Patricia raw ay nakulam! Isang babae raw ang nakaalitan nito kaya isinumpa na siya raw ay papangit pagdating ng araw! Mabuti na lang at hindi iniinda ng karelasyon ang sakit sa mukha ni Patricia. Isa pa ito sa mga nagpapalakas ng kanyang loob at nagsasabing gagaling din naman daw siya.


Ngunit ito ang pinakanakakatakot na sinabi ng albularyo: hindi raw gagaling ang mukha ni Patricia kung hindi ito makikipaghiwalay sa kanyang karelasyon! Iyon daw ang kondisyon upang mawal ang sumpa!

Kahit masakit ay pumayag na lang si Patricia sa sinabi ng albularyo dahil siya ay desperado nang gumaling! Kapag daw gumaling ang nasa nasa kanyang mukha ay saka na lang sila mag-uusap ulit.

Ngunit iba ang sinasabi ng doktor. Sa tantya nito, two-mor na talaga ang kasalukuyang nasa mukha ng dalaga. Ipinatest na rin nila ang sample nito, ngunit ilang linggo pa bago nila makuha ang resulta.

Panoorin ang kwento ni Patricia dito:



Source: Youtube

Alamin Dito Kung Bakit at Paanong Tinubuan ng Ngipin sa Ilong ang Kawawang Binatang Ito!

10:48 PM


Siyam na taon nang tinitiis ni Ersan ang hirap sa paghinga at pakiramdam dahil sa kakaibang bagay na tumubo sa loob ng kanyang ilong. Hindi naman ito isang bukol o ano, ngunit isang bagay na sobrang kakaiba -- ngipin! Hindi naman kulang ang tumubong ngipin aa bibig ng binata, kaya nakapagtataka kung bakit may extra pang isa ang tumubo sa kanyang ilong!

Ilang beses na raw nila itong inilapit sa mga lokal na dentista sa kanilang lugar, ngunit lahat sila ay nagsabing hindi raw nila kayang solusyunan ang issue na ito. Ngayong malaki na si Ersan ay higit nang nakakaabala ito sa kanyang buhay.


Dinala ng team ni Jessica Soho ang binata sa isang espesyalista, at sa wakas ay nagkaroon na ng pag-asa na maaayos pa ang kanyang problema. Pinaliwanag ni Doctor Gerald Hernandez na maraming maaaring naging dahilan ang ab normal na pagtubo ng ngipin sa loob ng kanyang ilong!

Kakaiba raw ang kaso ni Ersan, dahil wala naman itong bingot o ano. Kuwento ng pamilya ni Ersan, kakaiba daw talaga ang bata dahil pagkapanganak pa lang nito ay mayroon na silang nakakapa na matigas sa mga gilagid nito, na parang pinanganak siya na may ngipin na agad!


Sa x-ray na ito makikitang hindi nakaugat sa gilagid ng binata ang ngipin na tumubo sa kanyang ilong, kaya naalis rin ito agad matapos ang simpleng operasyon. Sa isang iglap ay nagbago ang buhay ng binatang si Ersan. 

Hindi na ito nahihiya at kaya na din daw niyang pumorma sa kanyang mga natitupuhang babae! Kung iisipin, siyam na taon din ng buhay niya ang nasayang dahil sa ngipin na iyon! Ngayon nga raw ay mas naging maluwag pati ang paghinga ni Ersan kaya laking pasasalamat nitong natanggal na sa wakas ang ngipin sa kanyang ilong. Nawala na rin ang takot sa kanyang puso na baka maimpeksyon pa ang ngipin niyang iyon.



Source: Youtube

May 17, 2019

Nabaon na sa Utang ang Magulang ng Batang Ito Dahil sa Malubhang Sakit. Pero Mas Nadurog ang Puso Nila Sa Naisipang Gawin ng Bata Dahil Dito

11:38 PM


2014 pa nang makitaan ng kakaibang sakit ang batang si Xiaoqing. Ayon sa mga doktor ay mayroon itong rare na uri ng k@ns3r, dahilan upang mapadalas ang pagpapagamot sa kanya. Nakatira lamang sila sa probinsya, sa Hennan sa China. Dinadala pa nila ang bata sa karatig-bayan ng Puyang upang makapagpa-doktor. Subalit nang lumaon ay hindi na rin siya magamot ng mga doktor doon dahil kulang-kulang din naman ang kanilang mga kagamitang pang-opsital.

Sinabihan ng doktor ang pamilya ni Xiaoqing na kailangan nilang sa Beijing magpagamot. Kahit kapos sa pera ay nakinig ang mga magulang ng bata, dahil wala silang ibang gusto sa buhay kundi ang paggaling ng kanilang mahal na anak. Ngunit nang makarating sila sa Beijing ay inabisuhan sila ng doktor na bago maoperahan ang two-mor ng bata ay kailangan muna nitong mag-kimoterapi.


Alam naman nating lahat na matagal ang proseso at napakamahal ng gamutang ito, kaya nalubog na rin sa malalim na utang ang mga magulang ng bata. Kung saan-saan lang sila natutulog kapag kailangang manatili ni Xiaoqing sa ospital sa Beijing, dahil ayaw nilang mag-aksaya pa ng pera sa pagbabayad sa isang hotel.

Minsan, nahuli ni Xiaoqing na umiiyak ang kanyang mga magulang dahil sa hirap at bigat ng problemang kinakaharap nila. Kaya naisipan ni Xiaoqing na kausapin ang kanyang mga magulang, at wala na nga sigurong mas sasakit pa sa mga susunod niyang sinabi:



Kinausap niya ang kanyang mga magulang at sinabihang huwag nang gastusan pa ang pagpapagamot sa kanya, dahil masyado nga itong mahal. Sinabi niyang kahit naman mawala siya ay may dalawa pang ibang anak ang kanyang mga magulang. Lalong nadurog ang puso ng mag-asawa sa kanilang narinig, ngunit pinangako nila sa anak na kahit kailan ay hindi nila ito pababayaan at gagawan ng kahit anong paraan ang kanyang paggaling.

Talagang nakakabilib ang pagmamahal ng pamilyang ito sa isa't-isa. Sana ay suklian sila ng isang milagro o tulong mula sa napakaraming tao upang malampasan nila ang ganitong klase ng problema.

Source: Daily Mail UK

Katakut-takot na Langaw Namemeste sa Leyte! Mayor Inireklamo kay Tulfo Dahil Nagkukulambo na Lang ang mga Residente Para Makakain!

9:40 AM

Sa isang lugar sa Leyte, kinakailangang magkulambo ng mga residente para lang makakain sila ng maayos. Iyan ay dahil sa napakaraming langaw na namemeste sa kanila. Kwento pa nga ng nagreklamo kay Raffy Tulfo, katatapos lang ng piyesta sa kanilang bayan kung saan libo-libong langaw rin ang nakipiyesta!


Depensa ng Mayor at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan, wala na raw mga langaw sa lugar nila dahil nasolusyunan na nila ang ugat ng problema-- ang mga karatig lugar na poultry o iyong mga nagpapalaki ng mga manok para sa trade. Minabuti ni Raffy Tulfo na ipadala ang kanilang team sa Leyte upang malaman kung ano ang totoong kalagayan sa lugar.


Napatunayan nga ng mga residente na hindi naman nabawasan ang pamemeste ng mga langaw sa kanila. Sa katunayan, naaktuhan mismo ng mga tauhan ni Raffy Tulfo na winawalis ng isang residente ang isang bulto ng mga patay na langaw. Nakaksuka itong tignan at talagang maaawa ka sa mga batang nakatira sa lugar dahil siguradong hindi maganda para sa kanilang kalusugan ang ganitong pamumuhay.

Tinungo ng team ni Tulfo ang City Hall upang maningil sa pangako ng lokal na gobyerno na solusyonan ang isyu ng langaw. Sabi kasi ng nagreklamo kay Tulfo ay ilang ulit na nila itong sinubukang ireport, at ang tanging ginawa ng mga opisyal ay mag interview, ngunit wala namang ginawang aksyon.


Mabuti na lang nga at iginiit ng grupo ni Tulfo na aksyunan na agad ng Mayor ito, kung ayaw niyang magkakaso dahil sa pagpapabaya sa kanyang mga nasasakupan. Sino ba naman kasi ang may gustong magkubli sa loob ng kulambo para lang masigurong hindi makikisalo ang sandamakmak na langaw sa kanilang pagkain?

Nakahinga ng maluwag ang mga nagrereklamong residente nang mangako ang lokal na opisyal na ipapasara ang mga malapit na poultry farm kung hindi nila aayusin ang pamamalakad nang sa gayon ay hindi pinepeste ng langaw ang kanilang mga kapitbahay.

Panoorin dito kung paano nasiguro ni Tulfo na mangyayari ang lahat ng ito:



Source: Youtube

May 15, 2019

Halos Mahimatay Ang Nanay na Ito Nang Ito Ang Makita Niya ito sa Washing Machine

8:16 PM


Si Sanela Kamencic ay payapang naglalaba isang araw, nang biglang mangyari sa kanya ang isang bagay na halos ikahimatay niya! Paano ba naman kasi, pagkatapos niyang maglaba ng isang batch ay biglang may bumulaga sa kanya nang hahanguin na ang mga damit na ito! Hindi naman siya sa Australia nakatira kundi sa Illinois, kaya hindi naman talaga siya sanay makakita ng mga ganito.

Ang bagay na tinutukoy dito ay isang ahas! Kakayanin mo kayang makakita ng isang ahas sa loob mismo ng washing machine na lagi mong ginagamit? Mabuti na lang at ang ahas na ito ay hindi isa doon sa mga labis na makamandag o talagang nakakayari.


Sa katunayan, si Penelope ay isang corn snake, isa sa mga klase ng ahas na madalas gawing alaga sa bahay dahil sa maamo naman ang mga ito, at sobrang cute din naman ng itsura. Mabuti ay nakatawag pa si Kamencic sa Evanston Police bago ito tuluyang kabahan at mawalan ng malay. Nagpa-back up naman ang mga pulis sa Chicago Exotics Animal Hospital na siya naman nagsuri sa kalagayan ng mumunting ahas.

Natawa ang doktor nang marinig na nanggaling ang ahas sa washing machine, at nasabi niyang kaya naman pala ito nangangamoy Downy! Natuwa rin naman ang doktor na na-survive ng ahas na ito ang isang wash cycle nang tila hindi nasasaktan!


Ayon sa pag-iimbestiga, si Penelope na corn snake ay alaga pala ng 12-anyos na kapitbahay ng nakakita sa kanya! Yun nga lang, ito ay nakatakas at sa kung paanong paraan ay nakarating nga sa washing machine ng kapitbahay na ito, dahilan upang siya ay makapanggulat ng kawawang kapitbahay na naglalaba lang! Nakakatawa kung iisipin, matapos ang unang hagupit ng gulat na nangyari kay Kamencic! Mabuti at hindi nito naisipang saktan o di kaya'y putulin ang ahas, kundi ay talagang malulungkot ang kanyang batang kaibigan.


Sa ngayon ay nakabalik na si Penelope sa kanyang may-ari, at talagang mabango ang kanyang amoy Downy.

Source: geek.com

May 14, 2019

Mag-Ingat sa Simpleng Migraine, Dahil Baka Ito Na Pala Ang Maging Mitsa ng Buhay Mo, Kagaya ng Nangyari sa Babaeng Ito

1:29 PM



Napakaganda at napakasaya na sana ng buhay ni Charlotte 'Lee' Broadway. Matapos ikasal sa kanyang high school sweetheart, nagkaroon siya ng apat na magaganda at gwapong mga anak. Ang pinakamatanda ay 22 years old, at ang pinakabata ay 8 years old pa lang ngayon. Hindi magkakadikit ang edad ng mga ito, kaya naman na-enjoy talaga nila ang oras kasama ang mga ito.

Ngunit noong April 1 (hindi ito April Fools'), isang trahedya at masamang pangyayari ang sumubok sa kanilang pamilya. Nagsimula ito bilang simpleng sakit ng ulo kay Charlotte. Hindi nila ito inalala noong umpisa dahil sanay naman nang nakakaranas ng migraine ang babae. Ngunit tumagal ito nang mas matagal sa kaniyang normal na sakit ng ulo.


Kaya nang lumaon ay ipinatingin na nila ito sa espesyalistang doktor. Nang iwan ng asawa niya si Charlotte upang matignan ito sa ospital, hindi niya inasahang ito na pala ang huling pagkakataon na makikita niyang buhay ang kanyang misis. Malaman laman na lang nila, ito pala ay nagkaroon na ng brain an3ury$m. Kinailangan tuloy nitong sumailalim sa surgery, ngunit hindi nito nakayanan at iyon na nga ang kanyang ikinamatay.



Napakaraming tumulong sa pamilya ni Lee noong siya ay pumanaw, ngunit hindi talaga ito sasapat para punan ang iniwan niyang puwang sa kanilang pamilya. Kaya ngayon ang kanilang pamilya ay sinusubukang palawakin ang kaalaman ng lahat tungkol sa @neury$m. Sabi rin kasi ng doktor, marami ang sinisingil ng sakit na ito dahil hindi agad nadedetect.

Kaya nais nilang ipaalam sa marami na mabutihing magpatingin na sa doktor kung nakakaranas ng isa o ilan sa mga sintomas na ito: pananakit ng ulo, paninigas ng leeg, hilo, sensitibidad sa ilaw, kawalan ng malay, panginginig, o labis na pananakit ng katawan.


Ito ay ilan lang sa mga mararamdaman mo na baka maliitin o hindi mo pansinin dahil parang common naman itong nararanasan.

Source: Ptama

May 13, 2019

Misis na May Malubhang Karamdaman, Nakuha Pang Iwan Ang Asawa Para sa Isang Tomboy

1:46 PM


Ang mag-asawang sina Crissy at Lienmar Mescallado ay nagdaan sa maraming mabibigat na problema. Una, si Crissy ay nakitaan ng sakit sa bato, at lumala ito hanggang umabot sa Stage 5. Ibig sabihin, tatlong beses na sa isang linggo kinakailangan ang dialysis. Sumunod pa dyan, nagsara ang pinagtatrabahuhang kumpanya ni Lienmar, dahilan upang mahirapan itong tustusan ang lahat ng medikal na pangangailangan ng asawa.

Ngunit hindi pa ang mga problemang iyan ang dinulog ng lalaki sa tanggapan ni Raffy Tulfo. Ang nangyari kasi, simula nang mahirapan siyang tustusan ang asawa ay nagkaroon ito ng relasyon sa isang tomboy. Wala naman sigurong masama na gawin niya iyon kung wala pa siyang pamilya, ngunit sa ganitong set-up ay tila sinira niya na rin ang kanilang pagsasama, at isinama pa niya ang dalagitang anak nang makisama sa tomboy.


Pagpapaliwanag ni Crissy, siya raw ay napabayaan ng asawa at mas naramdaman niya raw ang pag-intindi at pag-aalaga ng tomboy na kanyang kinasama. Ang mahirap pa sa parte ni Lienmar ay wala itong maikakaso sa asawang si Crissy kahit nagtaksil pa ito, dahil kapwa babae ang kinasama. Mayroon lang siyang laban sa legal kung sa lalaki sumama si Crissy.

Ngunit sabi ni Lienmar, hindi naman din nito gustong kasuhan ang asawa. Ang gusto lang naman niya ay magkaayos sila, at maibalik sa dating kabuuan ang kanilang pamilya. Nang humarap sa barangay ay nangako naman ang lalaki na pagbubutihin ang trabaho dahil nag-apply naman na siya at for interview na nga.


Mabuti na lang at lumambot na rin ang puso ng babaeng si Crissy nang umiyak na sa kanyang harapan ang asawa. Halata naman kasing mahal na mahal siya nito, at humingi pa nga ng tawad na hindi agad siya nakahanap ng kapalit na trabaho nang magsara ang lumang opisina. Nang magyakap ang dalawa, parang wala na ngang makahahadlang sa muling pagkabuo ng kanilang pamilya.

Panoorin dito ang buong eksena:



Source: Youtube

May 11, 2019

Muntik Nang Mabulag ang 4-Year-Old na Batang Ito Dahil Ganito ang Ginawa sa Kanya ng Kanyang Ama!

3:53 PM


Madalas nating naririnig mula sa mga matatanda na hindi maganda na palaging gumagamit ng gadget ang mga bata. Ngunit gayunpaman, hindi natin sila masyadong pinaniniwalaan dahil ang akala natin ay hindi lang talaga sila sanay gumamit ng mga gadgets. O di kaya naman, masyado nang naging madali sa atin na imbes na tutukan ng alaga ang mga bata ay pinahahawak na lang natin ang mga gadgets na ito upang hindi na magkulit at maupo na lamang sa isang tabi.

Ngunit ang kwento ng amang si Nachar Nuysticker Chuayduang ay sapat na upang sa wakas ay makinig tayo. Ayon sa amang ito, dalawang taon pa lang ang kanyang anak na babae ay pinahahawak niya na ito ng mga gadgets kagaya ng cellphone at iPad. At dahil nga nakakaaliw naman talaga ang mga games at applications na makikita sa mga gadgets na ito ay na-adik ang bata at ilang oras na sa isang araw kung gumamit ng mga gadgets.


Nagsimula tuloy itong magkaproblema sa mata. Nagsimula sa simpleng lazy eye o iyong kondisyon kung saan ang isa sa dalawang mata ay hindi na sumusunod sa galaw ng kabila. Bagamat napapansin na ito ni Nachar sa kanyang anak ay patuloy lang siya sa pagpapagamit ng gadgets sa bata. Ngunit nang lumaki-laki ito ay palagi na siyang nagrereklamo na sumasakit ang mata at hindi na nakakakita ng malinaw.

Nagulat na lang si Nachar nang dalhin ang bata sa doktor at malamang sa mura nitong edad na apat na taong gulang ay kailangan na raw nitong maoperahan!



Masakit sa kahit sinong magulang na makitang ganito agad ang pinagdadaanan ng kanilang anak. Kaya ngayon nga ay natuto na si Nachar at inuudyukan niya na rin ang iba pang magulang na huwag gumaya sa kanyang pagkakamali. Mas mainam pa rin na tutukan ang mga bata at alagaan, o makipaglaro na lang sa kanila kaysa hayaan silang gumamit na lang nang gumamit ng mga gadgets.

Source: Rach Feed