Araw-araw ay kung anu-anong iba ibang reklamo ang natatanggap ni Raffy Tulfo sa kanyang tanggapan. Ngunit wala na nga sigurong iba pang mas nakakatawa at nakakaeskandalo bukod sa inilapit ng 26-anyos na si Joan Roa! Nagdala pa talaga ito ng litrato ng kanyang nirereklamo -- isang reklamo na ipinost daw ng kanyang landlady upang pagpiyestahan sa social media.
Ito ang nakakaloka: picture ito ng damit panloob ni Joan! At kahit pa blurred ito nang ipakita sa palatuntunan ni Tulfo, halatang sobrang dumi at nakakarimarim ang kalagayan ng panti na ito. Kaya naman siguro galit na galit si Joan kay Emerita, dahil kahit sino naman ay mapapahiya sa ginawa nito! Ngunit nang tawagan ang inirereklamo, sinabi nitong kaya niyang humarap sa tanggapan ni Tulfo para ipaliwanag kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon.
Ngunit bago 'yan ay tinanong muna ng tanggapan ni Tulfo kung bakit nga naman kasi mayroong panti si Joan na ganoon karumi! Ang sabi ni Joan, hindi niya naman na ginagamit ang panloob na iyon. Tawang-tawa pa rin si Raffy Tulfo.
Nang makausap si Emerita, sinabi nitong ganti niya lamang ang ginawa niya sa lahat ng mga ginawa sa kanya ni Joan. Kwento nito, kung ano-ano raw ang pinagkakalat ng lady guard tungkol sa kanya! Nagsimula daw ito nang hindi niya mapagbigyan ang umuutang na si Joan at ang kanyang asawa. Napakalaki naman daw kasi ng hinihiram nito sa kanya, na umaabot na ng 30,000 pesos.
Ngunit kahit anong paliwanag nito, nanindigan si Tulfo na wala pa rin sa katwiran ang ginawa nitong pagpopost sa damit panloob ng lady guard. Maaari pa rin itong makasuhan ng paninirang-puri. Kaya naman nag-alok na lang ang babae na babayaran ng danyos si Joan, sa halagang tumataginting na 50,000 pesos. Umubo si Tulfo nang pabiro nang marinig ang sinabi nito.
Ngunit imbes na mapag-isipang masyadong malaki ang binabalak niyang ibayad, lalo pang tinaasan ito ng manang. Magbabayad na lang daw siya ng P100,000 o kahit P150,000!
Panoorin dito ang mga susunod na nangyari:
Source: Youtube