May 11, 2019

May Napulot na Wallet Ang Mga Batang Kalye Na Ito, Ngunit Hindi mo Aasahan Ang Ginawa Nila sa Napulot Nilang Pera!



Kung mawalan ka ng wallet at malaman mong mga batang kalye ang nakapulot nito, aasahan mo pa bang makakabalik sa iyo ang nawala mong pera at mga ID? Malamang ay, hindi na. Siguro ay hindi na rin sasama ang loob mo dahil hindi naman nila ninakaw ito at at least ay magagamit nila upang mapambili ng pagkain o kung ano pa ang kailangan nila.

Ngunit dalawang batang kalye na tambay ng MC Square sa Malabon ang nagpatunay na hindi lahat ng batang nakakapulot ng perang hindi kanila ay itatabi na lang ito at gagamitin para sa sarili. Sa kuwento ni Xer Yoker sa kanyang Facebook post, nilapitan siya ng mga ito at ipinagbigay-alam ang tungkol sa wallet na kanilang napulot. Sinuguro din nila sa gwardya na hindi nila binawasan ang laman nito nang maski isang kusing.



Napakalaki ng ngiti sa mata at mukha ng dalawang bata, na para bang sobrang ipinagmamalaki ang ginawa nila. At dapat lang nila itong maramdaman, dahil nga napakadali na lang ibulsa ang perang napulot mo lang. Ngunit nang mapansin siguro nila na may ID na laman ang wallet, naisip nilang madali lang din namang maibalik ito sa nakahulog ng wallet.

Napakabuti ng puso ng mga batang ito kahit na kapos din ang kanilang araw-araw na pamumuhay. Halos isang libo din ang laman ng wallet, na kung tutuusin ay malaking tulong na sana sa kanila.




Sa driver's license na nahanap sa loob ng wallet, makikita ang pangalan ng may-ari nito na si Sherwin Ayag Malasig. Dahil nakapost na ay madali na siguro niyang mababawi ang wallet at pera na marahil ay kinita niya sa isang buong araw ng pagtatrabaho. Laking panghihinayang siguro nito nang malamang nawalan siya ng wallet.

Sana ay hindi nito makalimutan ang kabaitan ng mga batang nakapulot sa wallet niya at sana ay ipasa niya pa ang kabaitang ito sa araw-araw na buhay.


Source: Facebook