May 11, 2019

Muntik Nang Mabulag ang 4-Year-Old na Batang Ito Dahil Ganito ang Ginawa sa Kanya ng Kanyang Ama!



Madalas nating naririnig mula sa mga matatanda na hindi maganda na palaging gumagamit ng gadget ang mga bata. Ngunit gayunpaman, hindi natin sila masyadong pinaniniwalaan dahil ang akala natin ay hindi lang talaga sila sanay gumamit ng mga gadgets. O di kaya naman, masyado nang naging madali sa atin na imbes na tutukan ng alaga ang mga bata ay pinahahawak na lang natin ang mga gadgets na ito upang hindi na magkulit at maupo na lamang sa isang tabi.

Ngunit ang kwento ng amang si Nachar Nuysticker Chuayduang ay sapat na upang sa wakas ay makinig tayo. Ayon sa amang ito, dalawang taon pa lang ang kanyang anak na babae ay pinahahawak niya na ito ng mga gadgets kagaya ng cellphone at iPad. At dahil nga nakakaaliw naman talaga ang mga games at applications na makikita sa mga gadgets na ito ay na-adik ang bata at ilang oras na sa isang araw kung gumamit ng mga gadgets.


Nagsimula tuloy itong magkaproblema sa mata. Nagsimula sa simpleng lazy eye o iyong kondisyon kung saan ang isa sa dalawang mata ay hindi na sumusunod sa galaw ng kabila. Bagamat napapansin na ito ni Nachar sa kanyang anak ay patuloy lang siya sa pagpapagamit ng gadgets sa bata. Ngunit nang lumaki-laki ito ay palagi na siyang nagrereklamo na sumasakit ang mata at hindi na nakakakita ng malinaw.

Nagulat na lang si Nachar nang dalhin ang bata sa doktor at malamang sa mura nitong edad na apat na taong gulang ay kailangan na raw nitong maoperahan!



Masakit sa kahit sinong magulang na makitang ganito agad ang pinagdadaanan ng kanilang anak. Kaya ngayon nga ay natuto na si Nachar at inuudyukan niya na rin ang iba pang magulang na huwag gumaya sa kanyang pagkakamali. Mas mainam pa rin na tutukan ang mga bata at alagaan, o makipaglaro na lang sa kanila kaysa hayaan silang gumamit na lang nang gumamit ng mga gadgets.

Source: Rach Feed