May 14, 2019

Mag-Ingat sa Simpleng Migraine, Dahil Baka Ito Na Pala Ang Maging Mitsa ng Buhay Mo, Kagaya ng Nangyari sa Babaeng Ito




Napakaganda at napakasaya na sana ng buhay ni Charlotte 'Lee' Broadway. Matapos ikasal sa kanyang high school sweetheart, nagkaroon siya ng apat na magaganda at gwapong mga anak. Ang pinakamatanda ay 22 years old, at ang pinakabata ay 8 years old pa lang ngayon. Hindi magkakadikit ang edad ng mga ito, kaya naman na-enjoy talaga nila ang oras kasama ang mga ito.

Ngunit noong April 1 (hindi ito April Fools'), isang trahedya at masamang pangyayari ang sumubok sa kanilang pamilya. Nagsimula ito bilang simpleng sakit ng ulo kay Charlotte. Hindi nila ito inalala noong umpisa dahil sanay naman nang nakakaranas ng migraine ang babae. Ngunit tumagal ito nang mas matagal sa kaniyang normal na sakit ng ulo.


Kaya nang lumaon ay ipinatingin na nila ito sa espesyalistang doktor. Nang iwan ng asawa niya si Charlotte upang matignan ito sa ospital, hindi niya inasahang ito na pala ang huling pagkakataon na makikita niyang buhay ang kanyang misis. Malaman laman na lang nila, ito pala ay nagkaroon na ng brain an3ury$m. Kinailangan tuloy nitong sumailalim sa surgery, ngunit hindi nito nakayanan at iyon na nga ang kanyang ikinamatay.



Napakaraming tumulong sa pamilya ni Lee noong siya ay pumanaw, ngunit hindi talaga ito sasapat para punan ang iniwan niyang puwang sa kanilang pamilya. Kaya ngayon ang kanilang pamilya ay sinusubukang palawakin ang kaalaman ng lahat tungkol sa @neury$m. Sabi rin kasi ng doktor, marami ang sinisingil ng sakit na ito dahil hindi agad nadedetect.

Kaya nais nilang ipaalam sa marami na mabutihing magpatingin na sa doktor kung nakakaranas ng isa o ilan sa mga sintomas na ito: pananakit ng ulo, paninigas ng leeg, hilo, sensitibidad sa ilaw, kawalan ng malay, panginginig, o labis na pananakit ng katawan.


Ito ay ilan lang sa mga mararamdaman mo na baka maliitin o hindi mo pansinin dahil parang common naman itong nararanasan.

Source: Ptama