May 09, 2019

Magbibigay ng Pabuyang Sampung Milyon ang Thai Millionaire na ito Kung Sino man ang Magpakasal sa Kaniyang Anak



Sa edad na 58, wala nang ibang hiling ang Thai Millionaire na si Arnon Rodthong bukod sa makahanap ng taong karapat-dapat magmana ng kanyang napaka-successful na durian business! Samakatwid, naghahanap siya ng lalaking mapapangasawa ng anak na si Karnsita. Wala kasi itong balak mangasiwa sa durian business ng ama, dahil may iba rin itong pangarap para sa sarili.

Sabi rin naman ni Karnsita, wala siyang balak maghanap ng mapapangasawa, kaya ayos lang na ang tatay na lang niya ang maghanap para sa kanya, at para na rin sa family business nila. Ang kaibahan lang ni Arnon sa lahat ng ibang amang naghahanap ng makakasama ng kanilang anak panghabambuhay, ay may iniaalok itong napakalaking pabuya sa magpapakasal sa anak niya.


Tumataginting na sampung milyong baht lang naman (o $315,000) ang kanyang ibibigay sa maswerteng lalaking magiging tagapagmana niya. Kung akala ninyo'y kawawa ang dalagang si Karnsita sa ganitong usapan, nagkakamali kayo. Sa katunayan ay ayos lang sa kanya, dahil hindi naman daw siya mapili dahil alam niyang hindi siya kagandahan.

Ang tanging gusto lang daw niya ay isang taong masipag. Iyon din naman ang nais ng ama niya. Isang lalaking masipag at matyaga, kahit hindi mayaman o edukado, basta walang bisyo at marunong sa business.

Hindi na rin siguro nakapagtatakang libo libo ang bumuhos para subukang mapili na mapangasawa at makuha ang pabuya nang unang ipaskil ni Arnon ang gusto niyang mangyari.



Kaya ngayon ay iniba niya ng bahagya ang proseso ng magiging pagpili niya. Sa simula raw ng buwan ay kailangang pumunta ng lahat ng interesado sa kanyang storage house ng durian, upang masukat niya ang lakag as dedikasyon ng mga ito. Tatlong buwan daw silang magtatrabaho, at kung higit pa sa isa ang matitira pagkatapos ng tatlong buwan ay ma-eextend ito ng tatlong buwan pa ulit, hanggang sa ang nag-iisang pinakapursigido na lang ang matira!

Syempre pa, makakamit pa rin ng taong iyon ang pabuyang una na nga niyang ipinresenta. Nakakatuwa, hindi ba? Ano pa ang hinihintay ninyo? Apply na!