May 06, 2019

Nakakalokang Auditionee ng Idol Philippines, Kamuka Na, Kaboses pa Raw ni James Reid!



Sa unang beses pa lang na nagsalita ang Idol Philippines auditionee na ito, napatawa niya na ang mga judges, lalong-lalo na si Regine Velasquez! Nagpakilala siya bilang si Rico Albores, at agad na humirit ng isang nakakatawang kwento. Sabi niya, habang naghihintay daw sa labas ay biglang nagkagulo ang mga babae. Nang tanungin siya ni James Reid kung bakit, sabi ni Rico na nagtilian daw ang mga babae dahil napagkamalan na siya si James!

Imbis na mainis ay sinakyan na lang ni James ang biro ng binata, at sinabi pang tama siya na mayroon nga silang pagkakahawig! Muli pang humirit ang binata at sinabing parang siya ay nananalamin lang kapag kaharap si James Reid!


Upang matuldukan na ang pangungulit ni Rico ay inudyukan na siya ng mga huradong sina Moira, Regine, Vice, at James na ipakita na ang kanyang talento. Pumili pa ito ng kantang pinasikat ni James Reid para maipakitang hindi niya lang ito kamukha, ngunit kaboses pa! Subalit dito na natapos ang good mood ng mga hurado. Halatang nangti-trip lang ang auditionee na ito.

Hindi bale na rin siguro, dahil kahit papaano ay napatawa naman nito ang mga judges. Ayun nga lang ay wala itong maaasahang magandang kinabukasan sa larangan ng pagkanta. Sa ipinakita niyang talent, siguro mas maigi pa kung isasali na lang niya ang sarili sa ibang palatuntunan kagaya ng Clown in a Million.


Sa kabila ng lahat ay wala tayong ibang hihilingin kundi ang pagpapatuloy ng masayang buhay ni Rico. Sana ay marami pa siyang mapasaya, naniniwala man o hindi na kamukha at kaboses niya si James Reid.

Masayahing tao si Rico at siguradong hindi maglalaon ay mahahanap din ito ang pinakamatinding talento na magpapasikat sa kanya-- hindi nga lang siguro sa Idol Philippines.

Ano ang masasabi ninyo tungkol sa audition ng binatang ito? Ipagbigay-alam sa amin sa comments section sa ibaba!



Source: Youtube