Isa ang mga pulis sa pinaka-notoryus na babaero hindi lang sa Pilipinas, kundi pati sa buong mundo. Hindi man lahat sa kanila ay talagang babaero, kapansin-pansin ang ganitong galawan sa mga kapulisan. Ngunit kung dati ay nakakalagpas ang mga ganito at nakukunsinte pa, hindi na maaari ngayon kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar!
Nang lumapit sa tanggapan ng Bitag ang isang 16-anyos na binata, sinabi nitong ilang beses na raw siyang tinataboy ng kanyang ama na isang pulis. 'Yan ay dahil anak sa labas ang binatang ito. Ngunit hindi naman niya kasalanan iyon, kaya marapat lang na panagutan pa rin siya ng pulis na ito. Kahit hindi na maramdaman ang pagmamahal niya at aruga, siguro kahit ang sustento man lamang ay makaabot sa kanya.
Kagaya nga ng sinabi ng binata, gusto lamang naman niyang makapag-aral. Kung wala ngang pera na pantustos ang pulis na ito ay sana hindi na lamang siya nangati pang mag-anak sa labas!
Ayaw pumayag ni Eleazar na tatakbuhan na lamang ng pulis na ito ang kanyang responsibilidad sa kanyang anak! Kaya nanggagaliti pa siya nang utusan ang pulis na ito na panagutan ang kanyang anak! Ngayon ay wala nang kawala ang pulis na ito dahil direkta na ang command mula sa kanyang hepe.
Nakakaawa ang binatang ito sa totoo lang, dahil hindi naman niya ginustong madawit sa lahat ng gulong ito. Mabuti pa ang ibang bata, naipagmamalaking anak sila ng pulis. Ngunit paano iyon gagawin ng binatang ito kung makailang beses na siyang itinakwil ng pulis na ito?
Sana sa ginawang pagpapangaral ni Eleazar ay matakot o matauhan man lang ang pulis na ito sa kabuktutang kanyang ginagawa. Takot na lang niya sigurong mawalan ng trabaho nang tuluyan kung hindi niya pa susundin ang direktang utos ng kanyang boss! Hindi rin naman dito matatapos ang pagbabantay ng BITAG sa kasong ito.
Panoorin:
Source: Youtube
