Minsan, hindi talaga natin masasabi kung ano ang maaaring mangyari sa isang iglap lang. Minsa'y napakanormal lang magsisimula ng isang araw, ngunit pagkatapos nito ay halos hindi mo aakalaing may ganoon kalaki o kasakit na pwedeng mangyari sa loob lang ng ilang oras. Marahil ay ganyan ang naranasan ng pamilyang ito nang makita nila kung anong nangyari sa kanya.
Nang matagpuan ng mga kinauukulan isang umaga ay wala nang buhay ang mamang ito. Nalagutan siya ng hininga habang nakayakap pa sa bandang kadena ng kanyang motor. Buong magdamag daw na nasa ganoong ayos ang mama.
Siguro maitatanong ninyo, bakit napabayaan siyang magdamag nang nakaganoon?
Ang sabi ng mga nakakita sa mama, inakala raw nilang may inaayos lang ito sa kanyang motor kaya hindi na nila gaanong pinsanin. Noong umaga na lang at tumambad sa kanila na nag-iba na ang kulay ng mama ay saka lang nila nalaman ang totoong nangyari at kung bakit magdamag lang itong nakayuko!
Suspetsa ng mga pulis ay inatake ang mama sa puso o ng highblood habang may sinisilip o chinecheck na maaaring sira sa kanyang motor. Mukhang pagod na pagod ang mama at siguro ay tinablan ng matinding init kaya umabot sa ganito.
Napaiyak at napasalampak na lang sa lapag ang pamilya ng mama nang sila ay dumating at madatnan ang nangyari sa kanilang padre de pamilya. Halatang napakasipag ng mamang ito kaya rin siguro bumigay ang kanyang katawan matapos ang isang mahabang araw ng pagtatrabaho.
Magsilbing paalala sana ito sa ating lahat na napakabilis lang lumipas ng buhay ng isang tao. Imbes na lagi tayong nagmamadaling umalis ng bahay ay samantalahin sana sana ang bawat minutong maaari nating maiparamdam sa pamilya natin na mahal natin sila at nakikita natin lahat ng sakripisyo nila para sa pamilya. Nang sa gayon kahit ano man ang mangyari ay wala tayong magiging pagsisisi sa mga bagay na hindi na natin magagawa, o hindi na natin masasabi.
Source: Facebook

