May 08, 2019

Sa Una'y Aakalain Mong Normal Lang Ang Babaeng Ito. Ngunit Kapag Nakita Mo ang Kanyang Mga Binti, Tiyak na Magugulat Kang Mayroon Siya Nito!


Minsan may mga bagay sa mundong ito na mahirap ipaliwanag. Kagaya na lang ng kung anong meron sa babaeng ito, na sa umpisa naman ay parang normal lang siya. Sa katunayan, kung makakausap mo siguro siya sa video call o Skype ay hindi mo mamamalayang may kakaiba sa kanya. Subalit pag siya ay nakaharap mo na sa totoong buhay, hindi mo na maikakaila ang iyong makikita.

Bata pa lang ay nakitaan na raw ng kondisyon sa nerves si Karina Rodini. Dahil dito ay nagbubukol-bukol ang kanyang binti. Sa ngayon ay umabot na nga raw sa apat na kilo ang bigat nito. Kaya kahit saan magpunta si Karina ay talagang pinagtitinginan siya. Marami ang nagsasabing sayang naman ang angkin niyang ganda dahil sobrang nakakadiring tignan ang kanyang binti.


Ngunit ang nararanasang problema ni Karina ay hindi lamang sumasakop sa itsura. Maging ang paningin nito sa kanyang kaliwang mata ay hirap na. Dahil sa laki ng bukol ay hindi na rin ito makalakad ng tuwid at nakakaranas ng matinding sc0li0sis. Sa ngayon ay hinihiling na lang ni Karina na siya ay makaipon ng sapat upang mapaoperahan ang bukol, nang sa gayon ay hindi na ito kumalat sa iba pang bahagi ng kanyang katawan, o maging sa loob ng katawan niya!

Sa kabila ng lahat ng hirap na ito, hinding-hindi raw tatakpan ni Karina ang kanyang mga binti.


Ito ay dahil ayaw niyang ibigay sa ibang tao ang kasiyahan kapag siya ay sumunod na lang sa kung ano ang pakahulugan ng lipunan sa ibig sabihin ng kagandahan. Maaaring pag-usapan siya at pagtinginan ng mga tao, ngunit wala nang iba pang masa mahalaga kay Karina kundi ang katotohanang tanggap at mahal siya ng kanyang pamilya sa kabila ng kakaibang kondisyong ito.


Sinasamahan pa siya parati ng kanyang ina upang magpatingin sa mga espesyalista. Sana ay sa lalong madaling panahon, makahanap sila ng doktor na maaaring tumutok sa kalagayan ng dalaga.



Source: Youtube